Chapter 17

88.6K 3.4K 933
                                    

Angela

"Sa 'yo 'tong unit na 'to?" ang nakanganga kong tanong kay Lester habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng condo unit na iyon.

Hindi pumayag si Lester na hindi ako sumama sa kanya ngayong gabi at makitulog na lang kung kanino. Ang sabi ko nga kung ayaw nyang makitulog ako kina Aling Delia na kapitbahay namin ay kina Nina na lang o hindi kaya ay kina Lara. Ayaw nya kasi kina Aling Delia dahil baka bumalik daw ang may gawa noon sa bahay ko.

Sumama ako kay Lester dahil ang sabi nya ay mas makakampante daw sya kung sa kanila ako tutuloy pansamantala. Hindi daw sya matatahimik kung wala ako sa tabi nya dahil sa nangyari.

Ang sabi ko ay simpleng pagnanakaw lang iyon na napag-interesan ang bahay ko. Sa akin lang kasi ang medyo maayos ang bahay kahit na luma sa lugar na iyon. Pero ang sabi ni Lester ay hindi daw. Hindi daw mag-aabala ng ganoon ang mga magnanakaw sa itsura ng bahay ko.

Totoo naman ang sinabi nya pero hindi ko maiwasang isipin na medyo nilait lang naman nya ang bahay ko. Kaya sumama na din ako sa kanya para makita ang bahay nya at alamin kung bakit ang lakas ng loob nyang laitin ang bahay ko.

Hindi ko naman inaasahan na nakatira pala sya sa isang condo unit na may kalakihan pa. Magkasama ang sala, ang dining area at ang kitchen. May tatlong kwarto din pero hindi ko talaga inaasahan na dito sya nakatira! Ang akala ko pa nga ay mas maganda pa ang bahay ko sa kanya!

Ang tingin ko kasi kay Lester ay hindi taga-Manila kaya nahirapan syang makahanap ng trabaho. At syempre, dahil hindi taga-Manila, wala din syang matitirhan dito at nangungupahan lang sa isang maliit na apartment. Pero anong nangyari at dito sya tumutuloy sa condo unit?

"Uhm..." sabi nya at kinamot ang gilid ng kilay nya. "Sa pinsan ko 'to. Nasa ibang bansa nagtatrabaho kaya nakabili ng ganito. Pinagamit muna sa akin."

Tumango-tango ako. Kaya pala. Mabuti naman pala at hindi na sya nahirapan sa matitirhan nya dito sa Manila.

Pero habang pinagmamasdan ko si Lester ay para syang katulad ko na ngayon lang nakapasok sa unit na 'to. Parang hindi nya alam kung saan nakalagay ang bawat gamit. Binubuksan nya ang lahat ng mga dapat buksan para lang mahanap ang isang bagay. Pati na rin ang bawat pinto na nandito.

"Ah, here's the comfort room." sabi nya nang mabuksan ang unang pinto sa hallway. May apat na magkakasunod-sunod na pinto kasi doon. "I bet that's the master's bedroom." turo nya sa pinakadulong pinto.

I bet?

"'Yun ang ginagamit mo?" tanong ko.

Dahan-dahan ang pagtango nya na parang hindi pa sya sigurado. Nangunot ang noo ko. Anong nangyayari sa isang 'to?

Ang weird nya. Kung hindi ko lang talaga sya mahal...

"You can use the room next to mine." sabi nya at tinuro ang pinto na katabi ng master's bedroom.

Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang simple pero may kalakihang kwarto. May single bed doon at natuwa ako dahil may under bed pa na pwedeng hilahin. Pwedeng matulog ang isa pang tao doon.

"So, uhm..." napatingin ako kay Lester nang magsalita sya. "I'll leave you now para makapagpahinga ka na. Feel free to move around and use everything."

Ibinigay nya sa akin ang bag ko na naglalaman ng kaunting gamit at mga damit ko. Tinanggap ko iyon at inilapag sa sahig. Bukas ko na lang siguro aayusin iyon.

"Lester." tawag ko sa kanya nang akmang tatalikod na sya. "Thank you. Salamat kasi hindi mo ako pinapabayaan."

Sa totoo lang ay nakukulangan pa nga ako sa pasasalamat ko sa kanya. Kung wala sya kanina ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro manginginig na lang ako sa takot. Simula ng mawala ang mga magulang ko ay naging mag-isa ako. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang may karamay.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon