Chapter 3

104K 4.1K 1K
                                    

Angela

Patay! Late na naman ako! Pero ayokong isipin na late ako dahil mas lalo lang akong matataranta. Iniiwasan ko ding tignan ang orasan kong nasa pulsuhan ko para hindi makita kung ilang minuto na ba akong late sa trabaho ko. Mas nakakapagpa-stress lang kasi sa akin iyon. Mas lalong hindi ako mapakali.

Hindi ko kasi natiis na tulungan ang matandang lalaki na tumatawid kanina. Parang hirap na hirap na sya sa paglalakad at halata sa kanya na masakit ang bawat hakbang na ginagawa nya. Pasakay na sana ako noon sa bus pero sa huli, nanaig sa akin ang anghel sa likuran ko at tinulungan yung matanda.

At ang nakakainis pa, nakikita na nga nilang matanda ang tumatawid at hirap sa paglalakad, binubusinahan pa ng mga driver ng mga kotse ang matanda na parang naiinip! Kaya hindi na ako nakatiis na kausapin ang isang driver.

Nakakainis kasi! Parang hindi sila tatanda kung umasta, ah?

Naniniwala kasi ako sa sinabi ni Confucius na "Do not do unto others what you do not want others do unto you." Na huwag gagawin sa kapwa ang mga bagay na ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo. Kaya iniiwasan ko talagang gumawa ng mga masasamang bagay. I believe in karma kasi.

"Late ka na naman!" ang bulyaw sa akin ng boss ko nang patakbo akong pumasok sa studio.

"Sir, pasensya na. May tumatawid kasing matanda kanina. Walang traffic lights o traffic enforcer para tumulong sa kanya kaya ako na lang ang gumawa."

Bumuntong-hininga ang boss ko at napahilamos ang isang kamay sa mukha. Nakikita ko ang pagpipigil nyang mainis sa akin. Napangiwi ako at kinagat na lang ang pang-ibabang labi.

Kahit ano pang idahilan ko, late pa rin ako.

"Ano bang palagay mo sa akin, Angela?" tanong ni boss na may bahid na inis ang tono. "Tingin mo ba ay nagbibigay ako ng Good Deed Award para sa mga empleyado ko?"

"Sir, tumutulong lang naman po ako..." mahina kong sabi.

Suminghap ang boss ko. "Wala akong pakialam sa mga tinulungan mo, Angela. Alam kong mabait ka. Pero ang gusto ko ay ang mga empleyado na nagpapahalaga sa trabaho nila, maayos na ginagawa ang trabaho at dumadating sa tamang oras!"

Napapitlag ako nang sigawan na nya ako. Napatingin ang iba sa akin. Nakita ko sina Nina at Lara na parehong nakangiwi sa akin. Si Maricel naman ay maarteng nare-retouch ng makapal nyang makeup sa mukha.

Nakakahiya ang masigawan sa harapan nila pero kasalanan ko din naman. Hindi valid ang mga reasons ko para ma-late sa trabaho ko. Hindi pa naman madali ang ginagawa ko. Kulang kami sa tao dahil nagtitipid ang kumpanya, hindi kaya kung marami ang pasasahurin. Pero heto ako at palaging late. Unfair naman sa iba na dumadating sa tamang oras.

"Gusto ko, ito na ang huling pagkakataon na mali-late ka. Wala nang next time dahil tatanggalin na kita kapag umulit ka pa."

Tumango ako. Naiintindihan ang parusang ibibigay nya.

"Yes, boss. Pasensya na po."

He sighed. "Sige na. Magtrabaho ka na at marami tayong gagawin."

Agad akong tumalima. Kahit na nahihiya sa nangyari ay nagtrabaho pa din ako. Isa ako sa mga pinakabatang empleyado dito sa maliit na advertising company na ito. Pero ako pa ang pinakapasaway.

Ewan ko ba. Hindi mapigilan ng anghel sa utak ko na tumulong sa mga nangangailangan. Kung minsan ay nauubos pa ang pera ko sa pagtulong. Hindi naman ako superhero para gawin iyon. Hindi naman ako mayaman para tulungan ang mga kapos at magbigay ng limos.

Siguro, nakuha ko ang ugaling ito sa mga magulang ko. Palagi ko kasi silang nakikita na tumutulong noon. Kahit walang-wala na sila ay nagbibigay pa rin sila. Kung dati ay naiinis ako. Kami pa kasi ang nawawalan dahil sa pagtulong sa iba. Pero ngayon ay ako naman pala ang gagawa.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon