Chapter 15

90.1K 3.2K 390
                                    

Nag-update po ako ng chapter 14 kahapon if ever po na di nag-notif sa inyo :)
---

Angela

Sa mga sumunod na araw ay hindi na ako tinantanan ng mga katrabaho ko. Kapag nakakahanap sila ng pagkakataon, kahit nasa gitna pa kami ng pagtatrabaho ay tatanungin talaga nila ako tungkol kay Lucius. Kung makapagtanong naman sila ay akala mo na close na close nila 'yung tao.

Ako nga hindi ko kilala, eh.

Nakaka-guilty tuloy sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanila. Ayoko na talaga. Gusto ko nang itigil ang pagsisinungaling ko. Ang plano ko sana ay uunti-untiin ko na nagkakalabuan na kami ni Lucius hanggang sa maghiwalay na kami. Hindi naman siguro mahirap humanap ng dahilan. Mayaman sya, mahirap lang ako. Marami kaming pagkakaiba.

Ang problema nga lang, ang alam nila na si Lester ay si Lucius. Eh, nagsisimula pa lang ang relasyon namin. Kapag sinabi kong hiwalay na kami ni Lucius at may makakita ulit sa amin ni Lester na magkasama ay magtataka sila. Hindi ko na alam kung sasabihin ko na ba sa mga katrabaho ko ang totoo o hindi.

Magpatulong kaya ako kay Lester?

Nagtataka lang ako kung bakit hindi sya nagtatanong kung anong nangyari at sinabi kong girlfriend ako ni Lucius. Syempre alam na nyang nagsisinungaling ako. Ipapaliwanag ko naman sa kanya ang totoong nangyari simula sa pinakauna kahit na nakakahiya. Pero wala. Hindi talaga sya nagtanong.

Hinihintay nya lang bang magpaliwanag ako nang kusa sa kanya?

Hindi ko rin naman inaasahan na sa simpleng pagtulong ko kay Lester noon ay mas lalalim pa pala ang samahan namin. Na kapag nakakasama ko sya ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari. Feeling ko kasi ay ang gaan-gaan nyang kasama. Feeling ko ay palagi syang nandyan para sa akin kahit na ako naman palagi ang tumutulong sa kanya. Feeling ko na kapag sobrang nangailangan ako ng tulong ay sya lang ang matatakbuhan ko.

At hindi naman ako nagkamali.

Sa bawat pagngiti ni Lester, sa bawat pagtawa nya, sa bawat pagsubok nya na sabayan ang lahat ng gusto ko, lahat ng iyon ay sobra kong na-appreciate. Hanggang sa tuluyan ko na nga syang nagustuhan.

At minahal.

Ganito pala ang feeling ng nagmamahal. Nagkaroon ako ng inspirasyon. Mas lalo akong ginanahan sa mga ginagawa ko. Feeling ko na lahat ng gagawin ko ay worth it at hinding-hindi ako tatamarin. Hindi na rin tuloy ako nale-late sa trabaho ko.

Masaya pala ang magmahal.

Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Magkikita kasi kami ni Lester at dahil wala pa sya ay nagdesisyon ako na puntahan na lang sya sa trabaho nya. Hihintayin ko ang out nya. Siguro ay may mahaba syang calls. O hindi kaya ay pa-out na sya nang may pumasok na calls para sa kanya.

Iyon kasi yung madalas na nirereklamo ng mga call center agents na kakilala ko. 'Yung two minutes na lang daw at out na pero may pumasok pa na calls. Ang masama pa kung long call pa. Baka iyon ang nangyari kay Lester kaya wala pa sya. Buti na lang at day shift sya kaya sabay lang ang out namin.

Isu-surprise ko na lang sya!

Excited ako habang naglalakad ako papunta sa kung saan sya nagtatrabaho. Hindi ako makakapasok sa loob pero pwede ko naman syang hintayin sa labas.

Grabe pala kapag inlove. Inspired lang palagi.

"Aray!"

Napaigik ako nang may makabanggaan ako. Hindi nya yata ako napansin kaya kahit na sinubukan kong umiwas ay nabangga nya rin ako. Ang lakas pa kaya kamuntik pa akong mapaupo sa kalsada! Buti na lang at nabalanse ko ang katawan ko at umayos kaagad ng tayo.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon