Chapter 5

95.2K 3.7K 808
                                    

Angela

I got to work on time. Hindi ako pinagalitan ng boss ko. Mukha pa nga syang proud sa akin dahil sa wakas, hindi sakit sa ulo ang hatid ko sa kanya ngayong araw.

Kaya naman masaya ang simula ng araw ko. Nakangiti din si boss, eh. Parang ako nga lang yata ang nagiging dahilan ng pagka-badtrip nya. Lalo na kapag marami kaming ginagawa tapos late pa ako. Dumadagdag lang ako sa sakit ng ulo nya.

"Himala, hindi ka late, ah." puna sa akin ni Nina nang makasalubong ko sya. "Wala kang tinulungan?"

Natawa ako. "Maagang nakipag-away ang kapitbahay ko kaya maaga akong nagising."

Napangiwi sya. "Lumipat ka na kaya ng tirahan? Umupa ka. Marami namang paupahan dyan na mura lang."

"Ayoko." sabi ko na may halong iling. "Pinamana sa akin ni Mama 'yung bahay na 'yun. Pamana daw ng lola nya sa talampakan."

"Grabe, Angela. Naniniwala ka talagang sa inyo ang bahay na 'yun?"

Hindi ako nagsalita. Alam ko namang hindi sa amin iyon, eh. Kahit nga 'yung lupa ay hindi rin sa amin. Wala ding titulo na magpapatunay na pamana nga iyon. Kaya ibig sabihin ay nagsinungaling si Mama sa akin at ilegal nilang itinayo ang bahay sa lupang hindi sa kanila.

Sa palagay ko, sinabi lang sa akin ni Mama na pamana nya ang bahay dahil nahihiya syang wala syang maiiwan na kahit na anong yaman sa akin. Na puro kahirapan lang ang ibinigay na. Nahihiya sya na sa murang edad ay naranasan ko ang kumayod para tulungan sila.

Ayos lang naman sa akin kahit wala silang iniwan na yaman. Ang gusto ko lang ay makasama sila. Pero pareho na nila akong iniwan.

"Iyon ang sabi ni Mama, eh." sabi ko at nagkibit-balikat. Huminga sya ng malalim.

"Sige na. Pumunta ka na sa makeup room. Hinihintay ka na ni Maricel na feeling model ng Victoria Secret."

Tumawa ako at nagpaalam na sa kanya. Nakarating ako sa makeup room at nakita ko si Maricel na makapal ang foundation sa mukha at nagkakalikot lang sa cellphone nya.

"Hi, Maricel!" bati ko sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay.

"Mabuti naman at dumating ka na." itinuro nya ang gabundok na naman na mga damit. "Ayusin mo na 'yan. Magsisimula na kami maya-maya."

"Nahirapan ka na naman mamili ng isusuot mo?" tanong ko habang inilalapag ang sling bag ko sa tabi. Lumapit ako sa mga damit na nakatambak at napangiwi na lang.

"Ang papanget kasi ng mga nasa wardrobe. Walang bumabagay sa akin."

Magaganda naman 'yung mga damit, ah? Wala akong nakikitang mali. Hindi kaya sya nagtataka na baka hindi na ang damit ang pangit kundi sya?

Ang bad ko.

Narinig ko ang pagtayo nya kaya nilingon ko sya.

"Ayusin mo ang pagsampay, Angela. Napagalitan ako nung nakaraan dahil sayo. Trabaho mo 'yan pero bakit ako ang napagalitan?" inis nyang tanong at mataray akong tinignan. "Basta ayusin mo 'yan."

Lumabas na sya at napasimangot agad ako. Mali silang lahat. Sina Nina, Lara, si boss, at si Aling Delia. Mali sila. Dahil hindi ako mabait. Ang nararamdaman ko ngayon ay pagkainis at gusto kong ilabas ang inis ko sa paghila sa buhok ni Maricel.

Hindi nag-iisip ng ganoon ang mga mababait, hindi ba? Pero hahayaan ko na lang sya. Wala rin naman akong mapapala kung gagawin lo ang gusto ko. Magkakaroon pa ako ng kasalanan.

Inayos ko ang mga nagulong damit ni Maricel. Sa araw-araw na trabaho ko dito ay madalas ito ang tinatrabaho ko. Ang tawag pa nga nila sa akin ay "P.A. ni Maricel" dahil madalas ay ako ang inuutusan nya. Ewan ko ba. Nagagandahan siguro sa akin.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon