Chapter 18

89.3K 3.2K 918
                                    

Angela

Alanganin kong tinanggap ang nakalahad na kamay ng babae sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit nya ako kilala. Hindi ko alam kung anong gusto nyang pag-usapan namin. Ngayon ko pa lang sya nakita at wala naman akong kilalang mayaman na katulad nya.

"Angela." pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti sya ulit pero nahalata ko na peke ang nga ngiti nya.

"I know." she said. Tinanggal nya ang shades na suot nya. "Let's go. Sa coffee shop tayo mag-usap. I don't want us to talk..." nilibot nya ng tingin ang studio namin. "In here."

"Aba't— hoy!" si Lara na halatang nainsulto sa paraan ng tingin nya sa studio namin. Para kasing nandidiri sya pero pinipilit nyang hindi ipakita iyon.

"Saan mo sya dadalhin?" tanong ni Nina na humarang sa pagitan naming dalawa ni Ishtar. "Angela, kilala mo ba 'tong batang 'to?"

Maarteng umirap si Ishtar. "Geez, I'm not a bata! I'm in my late teens already!"

"Bata ka pa din! At mas matanda kami kaysa sayo kaya huwag kang um-attitude dyan!" sabi ni Nina na halata na ang pagkainis.

"I don't have any business with the two of you. Si Angela ang kailangan ko."

"Ano bang kailangan nyong pag-usapan?"

Inis na napabuntong-hininga si Ishtar at humalukipkip sa harap namin. "About her boyfriend. Lucius D'Angelo."

Pare-pareho kaming natigilan ng mga kaibigan ko. Ako ay may halo pang kaba. Hindi kaya... Kilala ng babaeng 'to si Lucius? Hindi malabong mangyari dahil mukhang galing sa mayamang pamilya ang babaeng 'to. At mayaman din si Lucius...

Pinagpawisan ang mga kamay ko at nanlamig ang buong katawan ko. Nakarating na kaya sa kanila ang pagsusunungaling ko? Kaya ba gusto akong kausapin ng babaeng 'to?

"Si Lucius?" tanong ni Lara. "Kilala mo ang boyfriend ni Angela?"

"Yes." sabi ni Ishtar. "We're childhood sweethearts, actually."

Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko. Feeling ko naman ay nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa pamumutla. Grabe... Ang ganda ng naging simula ng araw ko pero hindi yata magiging maganda ang pagtatapos.

Patay... Nakarating na nga sa kanila ang pagsisinungaling ko.

"Hindi kami naniniwala." sabi ni Lara at ginaya ang pagkahalukipkip ni Ishtar. "Kahit sino, pwedeng sabihin na childhood sweethearts sila ni Lucius. Ang gwapo nya naman kasi kaya maraming nangangarap sa kanya.

"Ay, ang talino mo dyan." sabi ni Nina at nakataas ang kilay na tumingin kay Ishtar. "Childhood sweetheart ka lang, asawa ako."

Oo. Kahit sino nga ay pwedeng sabihin ang mga ganoon. Ako nga sinabi kong boyfriend ko si Lucius, eh.

Muling rumolyo paitaas ang mga mata ni Ishtar. Kinuha nya ang cellphone sa purse nya at ilang sandaling may kinalikot doon. Iniharap nya sa amin ang cellphone nya at pinakita ang isang litrato.

"Happy now?"

Napaawang ang mga labi ko. Sa picture ay may kasama si Ishtar na lalaki na nakaakbay sa kanya. Malaki ang ngiti sa mga labi nila pero hindi iyon ang naging problema ko. Dahil kilalang-kilala ko ang lalaki sa picture.

Si Lester.

Hindi ko maintindihan. Bakit nya kasama si Lester sa picture? Bakit nya sinabi sa aming si Lucius ang kilala nya kung picture naman ni Lester ang ipinakita nya?

"Totoo nga." sabi ni Nina.

"Si Lucius D'Angelo nga 'yan. 'Yung boyfriend ni Angela." sabi naman ni Lara at parang biglang naging maamo ang dalawang kaibigan ko.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon