Chapter 13

85.5K 4K 1.5K
                                    

Angela

Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ako mapakali habang nakatayo dito sa labas ng restaurant kung saan kami magkakaroon ng company dinner. Hinihintay namin si Lester na ngayong gabi ay magpapanggap bilang si Lucius D'Angelo.

Feeling ko talaga ay hihimatayin na ako sa sobrang kaba habang palinga-linga sa kalsada. Inaabangan ko kung makikita ko si Lester na naglalakad papunta dito sa restaurant. Ang masama pa ay kasama ko ang boss ko at ang dalawang mga kaibigan ko, pati na rin si Maricel, na naghihintay kay Lester dito sa labas ng restaurant.

Baka makahalata sila na hindi sya si Lucius kapag nakita lang syang naglalakad o kaya ay sakay ng jeep sa pagpunta dito!

Kinakagat ko na ang balat sa paligid ng kuko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Dumagdag pa 'yung mga sinabi ko kay Lester nang tawagan ko sya ulit kahapon. Sa sobrang saya ko sa pagpayag nyang tulungan ako ay nasabi kong hahalikan ko sya kung nasa tabi ko lang sya!

Hindi ko alam kung anong malanding espiritu ang sumapi sa akin kaya nasabi ko iyon. Kahit nga ako ay nagulat sa sarili ko. Kaya bago pa makasagot si Lester at bawiin ang pagtulong nya dahil sa sinabi ko ay mabilis kong tinapos ang tawag. Mabuti na lang at hindi nya na ako tinawagan ulit.

"Girl, tigilan mo nga 'yang pagngata sa kuko mo." saway ni Nina sa ginagawa ko. "Baka kapag nakita ka ni Lucius, ma-turn off pa sayo."

"Kaya nga." segunda naman ni Lara. "Kumalma ka nga! Bakit ba parang kinakabahan ka dyan?"

Kinakabahan kasi talaga ako! Baka mabuking nyong nagsisinungaling ako kapag hindi ginalingan ni Lester sa pag-arte!

Sinubukan kong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero wala, eh. Mas lalo pa nga akong kinabahan. Sumabay pang umihip ang malamig na hangin dahil sa gabi na kaya nanginig pa ako. Simpleng white sleeveless dress na humahapit sa katawan kasi ang suot ko.

Sabi kasi ng boss namin na gandahan daw namin ang suot namin. 'Yung pang-formal daw. Tapos sa isang mamahaling restaurant pa talaga sya nagpa-reserve. Matagal nya na daw talaga itong pinaghandaan dahil ang The Great Lucius D'Angelo daw kasi ang makakaharap nya.

The Great? Eh, isang Lester Cervantes lang ang makakaharap nila.

"Ayos pa ba ang itsura ko?" tanong ni Maricel at tumango ako kahit hindi ko pa sya tinitignan.

"Ako? Ako ba?" tanong naman ng boss namin. "Ayos pa din ba 'yung itsura ko? Gusto ko 'yung tipong mapapa-invest si Lucius sa company ko."

Marahas akong mapabuga ng hininga. Anong ii-invest 'nun? Moral support?

May pumaradang isang sasakyan sa parking lot sa harap ng restaurant na iyon. At sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang mamahalin ang kotse. Nataranta ang mga kasama ko at umayos ng tayo. Siguro ay iniisip nilang si Lucius na iyon. Pero ako ay nagpalinga-linga pa. Alam ko kasi na hindi makakaya ni Lester ang ganoong sasakyan.

Pero narinig ko na napasinghap ang mga katrabaho ko. Nang tignan ko sila ay nagniningning ang mga mata nila habang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang tingin nila at napanganga nang makitang bumaba si Lester mula doon sa mamahaling sasakyan!

Saan sya nakakuha ng pang-renta sa kotse na 'yon?!

"Mr. Lucius D'Angelo!" bati kaagad ng boss namin na hindi pa man nakakahakbang si Lester palayo sa sasakyan ay lumapit na. "I am Roger Bustamante, ang may-ari ng Elite Studio Incorporated. Nice to meet you."

Tinanggap ni Lester ang kamay ng boss namin na nakalahad sa kanya.

"Nice to meet you, Sir. I'm Lucius D'Angelo."

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon