CHAPTER 12

144 62 11
                                    

Narito kami ngayon sa garden nina Ebony, nag-iinuman ng tahimik, walang gustong bumasag ng katahimikan. Malapit na naming maubos ang pink gin, muli pa akong tumagay ng isang baso at nilagok ito. Ang sama ng loob ko sa mga nalaman about kina Kuya at Ebony, gano'n ba talaga dapat? Kailangan ba talagang masaktan?

"Uhm.." Aesh. "Malalim na ang gabi, hindi ka uuwe, Night?" tanong niya. Umiling ako at tumingala sa madilim na kalangitan. "Ipapahanda ko ang guest room, maiwan ko muna kayo."

Muling naging tahimik ang paligid, tanging buntong-hininga ko lang yata ang nagsisilbing ingay.

"Ayokong maging mahina sa tuwing nand'yan ka." Napalingon ako sa kaniya, nakatulala lang siya at blanko ang ekspresyon. "We're friend almost six years but I never been like this vulnerable. And now, look at me." Natatawa man ngunit naroon ang pait sa boses. "I'm so weak!"

"Don't say that!" asik ko. "Hindi masamang maging mahina tayo minsan, parte ng buhay ang masaktan." Tumayo ako naupo sa kaniyang tabi. "I never thought Kuya Dan say that words to you. I'm sorry for that, Ebony!" Niyakap ko siya sa leeg.

"No, it's okay! Siguro nga self-love muna, hihi."

Bumitaw ako sa yakap at ngumiti kami sa isa't isa. "The best parin talaga basta mahal mo ang sarili mo." Tumawa ako at umayos ng upo. "Akala ko dati, madaling magmahal nalang basta, hindi pala gano'n kadali." Bumuntong-hininga ako. "Akala natin puro kilig, tawa, ngiti.. hindi pala gano'n lagi. Dahil kapag nagmahal ka ng lubos sa isang tao dapat handa kang masaktan.." Pumait ang mukha ko. "...at 'yon ang hindi ko napaghandaan."

Muli akong nagsalin ng alak at pinaikot-ikot ang yelo sa baso. "Kung papipiliin ako between love and opportunity.. I'll never hesitate to choose the opportunity." ramdam kong nilingon niya ako. "Hindi naman tayo mauubusan ng lalake di'ba?" Natawa ako, nilagok ko ang alak at nilagay sa table ang wine glass. "Dahil kapag mas lalo mong minamadali, mas lalo ka lang napupunta sa maling tao at pagkakataon. Hahaha!"

"Yeah. You're right!" Pagsang-ayon niya.

Nagpatuloy kami sa inuman hanggang sa dumating si Aesh. "Matulog na tayo!" aniya. Humihikab na siya at nag-iinat ng braso. "Napakapagod ng araw na 'to."

Tumayo kami ni Ebony at sumunod sa kaniya papasok, kami lang tatlo ang narito dahil may business trip si Tita Wine. Magkatabi lang ang guest room at ang kwarto nila Aesh kaya okay lang naman.

"Sama-sama na tayong tatlo sa kwarto, Night." Ebony.

Umiling ako at ngumiti. "No worries, I'm fine here." sagot ko na inikot ang doorknob ng kwarto. "Maaga nga pala akong uuwe, kailangan ko rin kausapin si Kuya." dagdag ko. Tumango sila at sabay na kaming pumasok sa kaniya-kaniyang tutulugan.

May extrang damit sa kama kaya pumasok ako ng banyo para maligo. Tama nga si Aesh, dahil parang ito ang mas nakakapagod na araw kesa kahapon. Nakatuwalya akong lumabas ng kwarto, kinuha ko ang damit na nakapatong sa bed at nagbihis. Nang matapos ay punas-punas ko ang buhok habang kinukuha ang phone na nasa bulsa ng hinubad ko kaninang jeans.

Umupo ako sa kama at binuksan ang facebook ko, pampalipas oras habang basa pa ang buhok. Sumadal ako sa headboard ng kama at nagbasa-basa ng mga post, naagaw ng atensiyon ko ang isang litrato. Isang lalaking nakatalikod sa camera habang nakaluhod, ang babae naman ay nakalahad ang kamay habang nakayuko at naiiyak. Clinick ko ang picture at pumunta sa comment section, pulos 'Congratulation' ang nababasa ko. Muling naagaw ng aking attention ang isang comment.

: Congratulations, Core and Sheeila, wish you all the best and of course the wedding!

Napatulala ako at hindi magawang igalaw ang katawan. Pakiramdam ko ay namanhid ito, hindi pa sana ako mababalik sa reyalidad kung hindi nagring ang phone ko.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon