CHAPTER 8

210 94 14
                                    

Core's POV

NAGBIBIHIS AKO nang biglang tumunog ang phone ko na nakalagay sa side table. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot.

"Hello?" aniya sa kabilang linya.

"Bakit, Aeshmith?" tanong ko.

Bakit kaya 'to napatawag? Malapit ng mag-alas siyete ng gabi kaya bababa na ako para kumain.

"Birthday ko bukas, Core. Hihi! I invite you, do you come?"

Napahinto ako sa ginagawa at napaisip. Ginulo ko ang basa kong buhok at humarap sa salamin.

"Hmm. Advance Happy Birthday!" Iyon lang nasabi ko. Narinig ko naman ang paghalakhak niya.

"So, I expect you to come there, then."

"Sure. Dalaga kana kaya pupunta ako, HAHAHA.." Kitang-kita ko kung paanong naningkit ang mga mata ko sa pagtawa.

"Hoy! FYI, mas matanda ka parin sa akin 'no!"

Nakapamewang kong hinawakan ang labi ko at nag-isip. Sinu-sino kaya ang dadalo? Ayaw ko sa crowded na lugar.

"Hihi, saan ka nga pala magce-celebrate ng birthday mo?"

Sinuot ko ng tuluyan ang damit at lumakad pababa ng hagdan. Tahimik sa salas, mukhang umalis sina Daddy, dumiretso ako sa dining area upang kumuha ng maiinom. Ni-loud speak ko ang tawag at nilapag ang phone sa mesa.

"Sa Bar sana," tatanggi na sana ako nang muli siyang magsalita. "Please, Core. No'ng nakaraang birthday ko hindi ka rin pumunta, sana ngayon makadalo kana."

Huminga ako ng malalim at dinampot ang phone. "Okay! Just text the location, pupunta ako." walang choice kong sabi.

Natapos narin ang tawag kaya kumain na akong mag-isa, laging may pinupunta sina Daddy kaya lagi rin akong naiiwan dito sa bahay. Kumain ako ng matiwasay, pagkatapos ay umakyat narin sa kwarto. Naupo ako sa kama at tumingalang napaisip.

'How are babe? I hope you're okay. I'm sorry, but I need to this, I don't have a choice.'

Gusto ko siyang makita, kaso hindi pwedi. May mga bagay ba na dapat hinahayaang mangyari? Siguro, this is not the right time for the both of us. Malungkot kong naihilamos ang palad sa mukha at ginulo ang buhok.

"I love you, babe. I always do, no matter what happen. Just wait."

Natulog na ako ng gabing 'yon, ngunit ang diwa ko ay parang gising lang. Maging sa pagpikit ng mga mata ko lagi kang nasisilayan, sana sa kabila ng sakit na naidudulot ko sayo... mahalin mo parin ako.

Napabalikwas ako nang maramdaman ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Kinusot-kusot ko ang mga mata bago nagmulat, tanghali na yata. Kinuha ko ang cellphone at bumangon mula sa pagkakahiga. Maraming messages ang naroon ngunit ko na 'yon pinag-aksayahan ng panahon para basahin, alam ko naman kung kanino galing ang mga mensaheng 'yon.

Naligo ako at pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Pupunta ako ng Mall ngayon para bumili ng regalo, Robinson ang pinakamalapit kaya do'n nalang ako bibili. Bumaba ako ng hagdan, sumalubong si Daddy na mukhang kagigising lang, nilagpasan ko siya at tumungo ng dining. Naupo ako sa tabi ni Mommy, sumunod si Daddy na naupo sa harap ko.

Hindi ko pinansin ang matalim niyang titig habang sumusubo ako ng pagkain. Maya-maya pa'y hindi siya nakatiis at nagsalita na.

"Where are you going now?" tanong niya. Hindi ko siya tiningnan, nginuya ko ng maayos ang pagkain bago sumagot.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon