I wrote this story 'coz I got inspired. Ito 'yong mga gusto kong ipareliaze sa iba na hindi ko masabi verbally.Marami akong nakikita, nakakasalamuha na mga taong matapos masaktan ay nawawalan na ng ganang mabuhay. Iyong iba naman ay kinikitilan ng tuluyan ang sarili nilang buhay.
Hindi dapat gano'n! Hangga't lugmok ka give your best para makita ang positibo. Maraming rason para mabuhay tapos ipagpapalit mo lang sa iisang rason? Like seriously!
Ang PAMILYA natin madalas ay hindi rin tayo maintindihan. Ngunit hindi rin iyon dahilan para mawalan ka ng pag-asa.
Isa rin sa pangarap ko ang magkaroon ng pamilyang sobrang understanding, kapatid na hindi ka kaagad huhusgahan. Which is, dito sa storyang ito ko natupad.
Isa rin sa dahilan kung bakit may isang Ebony sa story na 'to, dahil pangarap ko rin iyon. I want to have a friend na kahit sobra kong tupakin makakaya parin akong intindihin.
At higit sa lahat, gusto kong marealize mong mahalaga ang SARILI MO. You need to love yourself first. Sabihin na nating may mga taong nariyan sa atin, pero hindi 'yon sapat, mas kailangan mo ang sarili mo.
Hindi tunay na pagmamahal ang ialay mo lahat sa kaniya, ang tunay na pagmamahal ay handa kang magtira para sa sarili mo. Dahil iyon ang tama.
Hindi palibhasa'y nasaktan ka sa una ay masasaktan ka narin sa pangalawa. Kailangan mong magtiwala sa sarili mo. May isang taong darating nang mas higit pa sa umalis. Huwag mawalan ng pag-asa. Hangga't may buhay magkakajowa ka;-)
Para saan ang opportunidad? Para sa akin, ito ay para matupad mo ang pangarap mo. You need to secure your future, hindi lang para sayo kundi maging sa pamilya mo, future husband, future kids.
Hindi ko pinarealize sa story na 'to na dapat kang maghintay kahit sobrang tagal. Ang gusto kong iparating ay, hintayin mo 'yong taong alam mong sa iyo parin babalik kahit anong mangyari. Dahil si Edge ay lubos na nagtiwala kay Night dahil deserve niya naman ang pagkatiwalaan.
Kaya kung binabasa mo 'to ngayon. Nalulungkot ka man o masaya huwag na huwag mong kakalimutang....maraming nagmamahal sayo. Iyong iba ay ipinaparamdam sayo at ang iba naman ay lihim kang minamahal at sinusuportahan.
Lahat ng dapat ay mangyayari sa tamang panahon. At ikaw lang ang makakagawa niyon para mangyari at matupad.
SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGSUPORTA MY CO-WRITERS AND READERS. SIMULA SA UMPISA MAGING SA SUSUNOD PA AY IPAGPAPASALAMAT KO NG LUBOS. KEEP SAFE AND GOD BLESS. MWAPS!♥
-YourLunaticaGirl
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
RomanceThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...