Edge's POV
Matapos nilang makaalis ay nanghihina akong napasandal sa kotse ko. Inis kong hinampas ang katawan no'n at sinambunotan ang sariling buhok.
"Tinamaan ka ng lintek, bro.." dinig kong sambit ni Jay saka lumapit. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang hinila. "You're in love."
"You're drunk kaya mo 'yon nasabi."
Tiningnan ko si Ellaine nang magsalita siya. Naro'n ang suplada niyang mukha at nakakunot ang noo, lumapit siya at dinakma ang kuwelyo ko.
"Lasing ka lang, Edge." pilit niyang kumbinsi. Umiling-iling ako, galit niyang binitawan ang pagkakahawak sa akin. "Ayokong masaktan ka,"
"Handa ako, Laine." mahinang sambit ko.
"Gaano ka kahanda? Sige nga!" hamon nito. Tumawa siya nang hindi ako makasagot. "Kita mo na, hindi ka makasagot." sarkastika niyang dagdag.
"Let's talk about that tomorrow," ani Sam. Napayuko ako, nahiya bigla sa inakto. "You're drunk, dude. Maybe, nadala ka lang ng emos'yon."
"Support kita, bro." siniko ako ni Jay. "I feel you, that's normal, lahat tayo nai-inlove. Hayaan n'yo na," baling niya sa dalawa. "He needs our support." Napatingin ako sa kaniya, hindi ako makapaniwala na gan'to ang mga sinasabi niya.
Umuwe ako sa condo na lutang, hindi ko alam kung bakit napapangunahan ako ng takot. Masasabi ko na sa kan'ya ang matagal ko nang nililihim. I liked her.. simula palang dati na lagi kaming pumupunta sa bahay nila. Hindi 'yon nawala kahit nasa Japan ako dahil sa business na pina-manage ni Daddy.
Hinubad ko ang shirt at jeans, nakaboxer akong pabagsak na nahiga sa kama. Ginawa kong unan ang dalawang braso at tumingala sa kaputian na kisame.
Hindi ko alam kung tama bang iparamdam ko ang mga gano'ng bagay sa kan'ya. Ngayon lang ako natakot ng ganito, natatakot ba akong masaktan? Handa akong sumugal kahit mahirap, kahit masakit, kahit walang kasiguraduhang gustuhin niya rin ako.
Umiling-iling akong bumangon at kumuha ng tuwalya para maligo. Nakapikit kong sinalubong ang pagdaloy ng tubig sa kabuuan ng aking katawan.
Kusa akong nagising kinabukasan, tanghali narin ako nang magising. Tahimik akong nagluluto, matapos din niyon ay kumain na ako. Nasambunotan ko ang buhok nang maalalang hindi ko pa na me-message si Night, dapat ko pa ba siyang i-message? kung pwede namang puntahan ko nalang siya.
"Tsh! Napakaboplaks mo, Edge." sermon ko sa sarili. Tinuon ko ang mukha sa dalawang palad at doon bumuntong-hininga. "Pupunta kaya siya, kung sakali?" nawawalan ng pag-asa kong sabi.
Matapos kong kumain, tumungo ako sa closet at naghanap ng pwedeng suotin para mamayang gabi. Naalis ko na lahat-lahat sa cabinet wala parin akong mapili. Inis akong naupo sa kama kung saan naroon ang mga damit. Nagmukha akong babae sa lagay na 'to.
"Bahala na si batman."
Sumapit nga ang pinakahihintay kong sandali. Pasado alas otso ng gabi nang matapos akong magbihis. Retti striped long sleeve shirt and Black ripped jeans lang ang suot ko. Gwapo naman ako kahit anong isuot ko, HAHA.
Pinaharurot ko ang kotse papunta sa bahay nila Jordan, hindi na ako nag-aksayang magmessage pa kay Night. Pinangungunahan ako ng takot na baka hindi siya pumunta kaya ako nalang ang pupunta para sa kan'ya.
"O, hijo! Napadalawa ka? Gabi na ah!" ani Manang nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Tuloy ka." sabi pa nito saka inimuwestra ang pinto papasok.
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
Любовные романыThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...