Binuksan ko ang gripo at naghilamos, tinukod ko ang dalawang kamay sa sink at tiningnan ang sarili sa salamin. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang basa kong mukha bago lumabas. Nabigla ako nang may humigit sa baywang ko at isinandal sa pader, nagugulat ko siyang tiningnan.
"E-Edge.." Napapalunok kong sambit.
Tinukod niya ang isang kamay sa pader bago sinuyod ng tingin ang aking mukha. It's felt like uncomfortable for me, hindi ako sanay na tinititigan sa malapitan. Napatingin ako sa mapula niyang labi na basa pa ng kaunti, pawis na pawis din ang kanyang leeg nang madapuan ko ito ng tingin.
"Nan'dyan siya, nakatingin." mahinang usal niya. Muli akong nag-angat ng tingin at pinagkunotan siya ng noo. Mas nilapit niya mukha sa tenga ko kaya nagmukhang hahalikan niya ako.
"A-Ano b-ba! Binatawan mo nga ako." Nagpumiglas ako upang bitawan niya ang baywang ko, ngunit naging mas matigas siya sa pagkakataong ito.
'Anong trip ng lalakeng 'to!'
"Let me hold you 'till the end." bulong niya pa.
Humalakhak akong nagpapadyak at napahawak sa kaniyang dibdib, hindi ko mapigil ang sarili sa pagtawa. "You're funny, huh?" Kinagat ko ang labi at marahan siyang tinulak. "Hold me 'till the end? Haha." Nag-iwas ako ng tingin habang natatawa. "Hibang kana.." Tinalikuran ko siya at iniwan doon.
Sinalubong ako ng malungkot na mukha ni Ella. "Why?" tanong ko at tumingin sa stage. "Mag-uumpisa na ba tayo?"
Umiling siya at nginuso ang nasa harapan naming upuan. "Si Core," aniya na ikinagulat ko. Nakatalikod siya sa amin at umiinom. "He wants to talk to you." seryoso niyang dagdag. Napatitig ako sa likod niya. Lalapit ba ako? "Go ahead." Marahan akong tinulak ni Ell papalapit doon.
Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa table niya. Nang makalapit ay tiningala niya ako, isang malamyang tingin ang pinukol niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nangilid ang mga luha ko nang makitang bagsak ang kaniyang mga balikat habang namumungay ang mga mata ngunit pinipilit maging seryoso ang ekspresyon. Nagbaba ako ng tingin bago naupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
"How are you?" kagat-labi kong tanong.
"I'm sorry," tugon niya dahilan upang mapaangat akong muli ng tingin. Emosyonal niya akong tinitigan. "I am here again. I'm sorry for bothering you." Naroon sa boses ang pait.
Napatungo ako at napatingin sa magkahawak kong kamay na nasa aking hita. Narinig ko ang paglapag niya ng bote ng alak sa mesa maging ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga.
'Don't do this to me, please.'
"It's so hard to let you go--"
"Ikaw ang nakipaghiwalay." pigil ko sa kaniya. Tiningnan ko siya gamit ang masama kong tiningin. "Don't you remember?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Natigilan siya at napapikit na ginulo ang buhok. "Fuck.." bigong aniya. Napaismid ako. Siya pa ang may ganang umakto ng gan'yan? Seriously?
"Congratulation!" Mapait akong ngumiti. Napamulat siya at naguguluhang napatitig sa akin. "You will getting married for your someone love, I'm happy for you, Core " Uminit ang gilid ng mga mata ko at nahihirapang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumuhos. Pinatong ko ang magkahawak kong kamay sa mesa at doon tumingin.
"N-Night.." usal niya, mas lalong nabasag ang puso ko. Kung ganito nalang din kasakit ang magmahal, hindi na ako susugal pang muli. Lihim kong pinahid ang ilang butil ng luha nang tumayo siya at lumuhod sa tabi ko. Nakahawak ang magkabilang kamay sa mesa at sa upuang kinauupuan kong dinungaw niya ako ng tingin. "Are you crying? Hey!" pilit niyang pinapabaling ang ulo ko sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
RomanceThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...