CHAPTER 25

91 18 7
                                    

"Are you ready?" aniya.

Nilingon ko siya at hindi nagawang sumagot man lang. Nilibot ko ang paningin sa Airport na ito saka tumingala at nakapikit na sinalubong ang sariwang hangin ng Palawan.

Handa na nga ba akong harapin ang mga taong iniwan ko sa loob ng limang taon?

Nagmulat ako at muling naramdaman ang sikip sa aking dibdib. "I don't know, Sam." malungkot kong ani.

Ako mismo sa sarili ko ay hindi ko magawang sagutin ang simpleng tanong na iyon. Nagawa kong hindi magparamdam ng ilang taon, sana ay magawa ko ring harapin sila.

Inalalayan niya akong pumasok sa kotse niya na ang magmamaneho ay ang driver nila. Tahimik kami sa biyahe habang ako ay nasa labas lang ang paningin. May kaunting pagbabago akong nakikita, iilang gusali narin ang nadagdag maging ang mga traffic lights. Dama ko na ang trapiko, hindi tulad noon.

Habang nagmumuni-muni ay naudlot lamang dahil sa naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nagtatanong ko siyang tiningnan ngunit ngumiti lang siya.

"You can do it, Night." pagpapalakas niya sa aking loob.

Binalik kong muli ang paningin sa daan saka malungkot na napabuntong-hininga. Hinayaan ko ang kamay kong hawakan niya hanggang sa pumarada ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Nanguna akong bumaba at hindi na hinintay na alalayan niya pa ako.

"Here's, Ma'am." ani ng driver na iniabot ang maleta ko.

"Thank you."

Tiningala ko ang mataas naming gate, nakakapanibago sapagkat nagbago na ang pintura niyon.

"Sigurado kana ba na dito mo gustong tumuloy? Pwede namang--"

Nahinto siya nang pigilan ko gamit ang kamay ko. Mahigpit akong napahawak sa maleta nang umihip ang malakas na hangin dahilan upang lumipad ang mahaba ko ng buhok.

"This is my home, I want to stay here." sabi ko saka siya binalingan. Mababaw akong ngumiti. "Thank you, Samuel..for everything." sinsero kong dagdag.

"Anything for you." nakangiti niya rin dagdag saka yumakap sa akin. Mababaw din akong gumanti. "Good luck, Night." tinapik niya pa ang balikat ko.

Natatawa akong bumitaw sa kaniya saka hinampas ng mahina ang kaniyang dibdib. "Salamat, ah!"

"No problem!"

Ilang minuto pa akong nanatili sa labas ng bahay simula nang magpaalam si Sam. Dahan-dahan akong lumapit sa gate, tumitig pa ako roon bago nanginginig ang kamay na pinindot ang door bell. Hindi na ako muling sumubok dahil nakakapanghina ang kaba sa aking dibdib.

Kagat-labi akong napatingin nang bumukas ang pinto't bumungad ang nakarobeng si Ebony. Ang nakangiti niyang mukha ay dahan-dahang naglaho nang ako ang bumungad sa kaniya. Ibang-iba ang aura niya, mas lalo siyang gumanda simula nang huli kaming magkita.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kakitaan ng gulat ang kaniyang mukha. Deretso lang siyang tumingin sa akin saka binuksan nang tuluyan ang tarangkahan.

"Welcome back." malamig aniya. Hindi ko pinakita ang gulat ko, mas mariin akong napakapit sa hawak kong maleta.

"E-Ebony..." usal ko.

Gusto kong maiyak ngunit hindi ko pinairal ang emosyon. Ang laki na ng pinagbago niya, paano pa kaya ang ilan sa kanila.

Iginaya niya ako sa sarili naming tahanan na animo'y bisita ako at hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Hindi ko narin kailangang magtaka kung bakit siya narito. Ang sabi sa akin ni Sam ay nabalitaan niyang girlfriend na ito ni Kuya at masaya ako roon.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon