"Sure! Please, sit down." ngumiti ako.
Agad tumalima ang babae at hinila si Core upang maupo silang magkasabay. Nilapag ko ang phone sa mesa saka mas ngumiti ng todo.
"Thank you, ha?" ani ng babae. "My name is Sheeila. Nice to meet you!" Nilahad niya ang kamay. Sandali akong napatitig roon bago tinanggap.
"Night. Nice to meet you too!"
"She's your friend, hon?" Nakangiting baling nito kay Core. Mas lalong naningkit ang mga mata at lumalim ang dimple dahil sa pagngiti.
Napatungo ako. Bakit ko hinayaan na makisabay sila sa akin? Lihim akong napabuntong-hininga at muling tumingin sa kanilang dalawa. Halatang mahal ni Sheeila si Core dahil kahit nakaupo ay nakaangkla parin ang mga kamay nito sa braso ng fiencee. Maging ang matamis nitong pagngiti ay nagpapatunay na masaya siyang kasama si Core. Bago pa masagot ang tanong na iyon ay dumating na ang staff at i-served ang pagkain, ngumiti ako at nagpasalamat.
"Miss, dito nalang din." ani Sheeila sa staff. "Wow!" namamangha niyang ani habang siniserve ng staff ang pagkain nila. Bawat kilos at pagbuka ng bibig niya ay tinitingnan kong mabuti. Isa lang ang narealized ko, ganito palang babae ang tipo niya.
Bumaling ako ng tingin kay Core at nahuling nakatingin ito sa akin. Ngumiti ako at tumango. Ayokong magmukhang bitter dito.
Parang nawalan ako nang gana pero pinilit ko parin. Inalis niya ang pagkakaangkla sa braso ng lalake, tumuhog ng karne bago ito isinubo kay Core. Napapailing akong kumain nalang din habang sila ay sweet na sweet sa isa't isa. Basta ko nalang din tinusok ang gulay at naiiyak na sinubo sa sarili. Agad kong pinalis ang namumuong luha at nagpatuloy sa pagkain. Puro kwento si Sheeila pero wala ako ni maintindihan man lang, mas nangingibabaw ang lungkot na nararandaman ko.
"Matagal na pala kayong magkakilala? Since when?" tanong niya.
"A-Ah, yeah!" wala sa sariling sagot ko.
Tumawa siya at nagpunas ng labi. "Can I invite you on our wedding?"
"Hon.." asik ni Core. Mas lalong gumuhit ang sakit sa dibdib ko nang sambitin niya ang endearment nila.
"Why? There is something wrong with that?" Nilingon niya ito nang may nagtatakang tingin.
"She's busy," pagdadahilan ni Core.
Tinapos ko ang pagsubo at uminom ng tubig bago tumayo. Kumuha ako ng cash at nilagay sa ibabaw ng mesa.
Napatingin silang dalawa sa akin. "I'm sorry, Sheeila. But, I will try to go there, on your wedding." niyukom ko ang palad para mapigil ang bugso ng damdamin. Bumaling ako kay Core at ngumiti. "Congrats again! I need to go now, I have something to do pa." Tumalikod na ako ngunit may humila sa braso ko.
Napapikit ako at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya.
"Are you sure na pupunta ka?" tanong niya.
Hinarap ko siya at nakangising tumango. "Why not?" sinipat ko si Sheeila at nakita sa kaniyang mga mata na naguguluhan ito sa kinikilos namin. Muli akong nag-angat ng tingin kay Core. "Masyadong inosente ang fiancee mo para umakto tayo ng gan'to. I need to go." Tuluyan ko silang tinalikuran at iniwan.
Wala sa sarili akong nauwi sa bahay. Basta nalang sumalampak sa couch at pinilig ang batok. I'm so tired.
"Manang.." nakapikit kong tawag.
"Unsa man?" natataranta nitong tugon. Naramdaman kong tumabi siya sa akin. "Okay ra ka?" bakas sa tuno ang pag-aalala.
"I'm not okay po!" umiling-iling ako, nanghihina. "Umuwe na po ba si Kuya?"
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
RomanceThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...