CHAPTER 3

287 120 74
                                    

Hindi ako iniwan ni Ebony hanggang sa makatulong ako at maging sa paggising. Binantayan niya ako at pinaghain ng pagkain, dinaig ko pa ang may malubhang sakit kung alagaan niya.

"May pupuntahan tayo, maghanda kana at mag-ayos ng sarili." sabi niya.

Magtatanong pa sana ako kaso lumabas na siya sa kwarto. Napailing nalang ako, kahit kelan ay ang weird niya. Matapos kong maligo ay inayos ko nga ang sarili, nagliptint ako at nagpulbo. Sapat na 'yon sa akin.

Kotse niya ang ginamit at siya rin ang nagdrive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, tahimik siya at seryoso sa pagmamaneho kaya mahirap na baka masigawan pa ako.

Agad siyang nagpark at bumaba, bumaba narin ako at nagulat nang makita kung nasaan kami.

"Anong ginagawa natin dito?"

Hindi niya ako sinagot basta niya na lang ako hinila. Nasa isang beach resort kami ngayon, nakakarelax at ang ganda ng lugar. Nakakamangha.

Tumungo kami sa isang cottage at napatakip ako ng bibig nang makilala ang pigura ng isang tao.

"BABY!!" Pagtawag niya sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at mahigpit ko siyang niyakap.

"M-mom.." Naiyak ako sa sobrang saya. Miss na miss ko na siya. Humiwalay ako at kumapit sa braso niya.

"I really, really miss you baby." Mababakas din ang saya sa kaniyang mukha.

Minsan lang sila umuwi ng Palawan kaya hindi ko mapigilan ang masabik sa pag-uwi nila.

"How are you?"

"Okay na okay po." Masaya kong sagot, tila nakalimutan ang sakit. "Kuya Dan is also good. Pero lagi akong binubully." Nakanguso kong sumbong.

Humalakhak si Mommy, nanliit ang mga mata sa sobrang pagtawa.

"He's busy right now?"

"I don't think so Tita," sabat ni Ebony at nangunang maglakad.

"Yes mom, his busy. Aside from his study, he also managing his business."

"I'm so proud baby." Ngumiti siya ng matamis.

Sumunod kami kay Ebony at laking gulat ko nang makitang naroon ang Ate at Tita niya, nagyakapan din ang lahat. Tulad ng inaasahan masaya kaming kumain at nagkwentuhan.

Nag-uusap kami ni Mommy habang papunta sa suite na tutuluyan niya. Sila Ebony rin ay tutuloy sa hotel kaya magkakasama parin kami hanggang mamayang gabi.

"How's your job?"

"I'm doing well." Nakingiti kong tugon. Tinago ko ang pait sa boses.

Ayokong sabihin sa kaniya na nagresign na ako sa trabaho.

Nang marating na namjn 'yon ay pinatuloy ako ni Mommy. The room was so nice when I entered.

"Sit down." Nakangiting sambit niya habang inaayos ang bedsheet ng isang queen size bed na kama.


"I don't want to leave you here baby, but I need to do this." Malungkot niyang sambit. Naupo siya sa aking tabi.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon