CHAPTER 20

98 29 36
                                    

KINABUKASAN, wala kaming ginawa ni Kuya kundi maglaro ng ML, kumain, matulog ang ginawa namin maghapon hanggang sa sumapit ang gabi. Nag-aayos ako ng kama nang mag-vibrate and cellphone ko, lumapit ako sa side table at sinagot ang tawag.

"Hello?" bungad ko.

Tiningnan ko kung sino ang caller nang hindi ito umimik, kumalabog ang dibdib ko nang makita ko ang pangalan ni Core.

"Can we talk?" naroon ang lamig sa boses niyang wika.

Napigil ko ang hininga sa sinabi niya at napapikit sa hindi malaman kung papayag ba ako.

"Core, please!" nagmamakaawa ang tono kong wika. Para saan pa ang pag-uusapan namin? Para saan pa't ikakasal narin ito?

"Kahit ito na ang huli, please..kahit ngayon nalang!"

"Core..."

"Please...kahit ito na ang huli,"

Matapos ang tawag ay nanghihina akong napaupo sa paanan ko at napatulala sa kawalan. Hindi ko magawang makapag-isip ng tama nang mga oras 'yon. Kung wala pang kumatok sa pinto ay hindi ako mababalik sa reyalidad. Bago pa ako makatayo ay niluwa na ng pintuan ang fresh na fresh na si Edge. Naiiyak ko siyang pinasadahan ng tingin.

'Bakit alam na alam mo sa tuwing kailangan kita? Bakit lagi kang dumarating sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon?'

Nagmamadali siyang lumapit sa akin at dinaluhan ako sa pagkakaupo sa sahig.

"What happened?" nag-aalala nitong tanong. Sinapo niya ang parehong pisngi ko at pinagsalubong ang paningin namin.

Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa unti-unting dumaloy ang luha ko sa kamay niyang nasa aking pisngi. Mas lalo pang bumakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha at hindi na ako nagulat nang buhatin niya ako.

"I'm sorry, nahuli ako nang dating."

Sinubsob ko ang sariling mukha sa dibdib niya at sa kaniyang damit nagpunas ng luha. Buhat-buhat niya parin na ako pababa ng hagdan, ramdam kong may mga taong nakatingin sa amin na nasa salas.

"Ibaba mo na ako, Edge." nahihiya kong sambit. Umiling lang siya at inalis ang paningin sa akin.

"What happened?" dinig kong tanong ni Mommy.

"Ibaba mo na ako, please.."

Sinunod niya na ang sinabi ko. Tumalikod muna ako ng bahagya bago hinarap ang nag-aalalang mukha ng pamilya ko. Isa-isa ko silang tiningan, naroon ang galit sa mukha ni Kuya si Mommy naman ay sobra ang pag-aalala, samantalang ang Daddy ko ay seryoso.

"Don't worry, I'm fine."

"Paanong okay, anak?" Lumapit si Mommy at hinaplos ang buhok ko. "Paanong naging okay ang taong galing sa pag-iyak?"

"Tita, I'm sorry po!" ani Edge, mabilis ko siyang nilingon. "Kasalanan ko po."

"Edge, I said its not your fault!" napipikon kong bulalas. Muli kong hinarap si Mommy at hinawakan siya sa braso. "Mom, can we talk?"

"For what, anak?"

"I want to tell everything."

"Let's talk." napalingon ako kay Daddy nang magsalita siya.

"Thank you, otosan!"

"Babalik nalang po ako mamaya," wika ni Edge nang maupo ako sa couch.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon