CHAPTER 18

147 44 13
                                    

Night's POV

"Where have you been pala, anak?" tanong ni Mommy, katabi ko siya habang sina Daddy at Kuya naman ang magkatabi.

"Sa church po." hindi ko matingnan si Daddy kahit ramdam ko ang titig niya. Dumating si Manang na may dalang iba't ibang putahe. "Wow!" naiusal ko, namamangha.

"Thank you, Manang Seldia." ani Mommy.

"Doitashimashite, Madame." tugon ni Manang. Sa tagal nitong nag-aalaga sa amin ay natuto narin itong magwika ng hapon.

"Kuya look!" turo ko sa naglalakihang crabs. "Hindi ako marunong maghimay niyan.." nahihiya kong pahayag.

Biglang tumayo si Kuya at lumapit sa kinauupuan namin. "Ako na ang maghihimay para sayo." naupo siya sa tabi ko kung saan pinapagitnaan nila akong dalawa ni Mommy.

Tahimik kami ni Kuya habang kumakain, sila Mommy naman ay nagku-kwentuhan ngunit sa sariling lengguwahe.

"Kamusta kayo rito?" bigla ay tanong ni Mommy. Hindi sumagot si Kuya kaya ako nalang ang sumagot.

"Okay lang po! Hindi ako nagsisisi na dito mo kami pinatira, mom." nakangiti kong tugon na nilingon pa siya.

Ngumiti si Mommy ngunit naroon sa mga mata ang lungkot, napatingin ako kay Daddy ngunit gano'n nalang ang wala niyang kibo. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa kinakain, masasarap ang nakahain nakapagtataka nga lang dahil hindi Japanese food.

Naunang natapos si Daddy kumain, kaya inubos ko narin ang nasa pinggan ko at hindi na dumagdag pa. Matapos ng lahat ay sabay-sabay narin kaming tumungo sa living area. Hinawakan ko si Mommy sa braso at marahang nagpabigat, natatawa niyang hinaplos ang buhok ko.

"I'm so happy!" magiliw ko talagang sambit. "Noong nagkita kasi tayo sa resort ay iniwan mo ako bigla." hindi nabahiran ng panunumbat o tampo ang boses ko.

"Maiwan na muna namin kayo rito, magku-kwentuhan lang kami ni Clyian." aniya sa sariling lengguwahe. "Let's go." hinila niya ako papaakyat ng hagdan.

Mas lalong nabuhay ang pananabik sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Mommy, balak ko rin naman na magkwento sa nakalipas na mga buwan na hindi ako nagku-kwento sa kaniya.

"Ito parin ba ang kwarto mo?" tanong niya nang pihitin ko ang doorknob papasok sa loob.

"Yes po!"

"Walang pinagbago, maganda parin..."

"Mommy naman!" kunwaring nahihiya kong saway. "Anupa't may talento tayo kung hindi lang din natin gagamitin para sa makabuluhang bagay, hindi po ba?" proud kong dagdag at inimuwestra ang loob para tumuloy siya.

Nilibot ng kaniyang paningin ang kabuuan ng kwarto ko, naroon ang pagkahangang makikita sa kaniyang mga mata. "I didn't expect you did this great!" usal niya.

Nahiga kami sa kama, niyakap ako ni Mommy. I really miss the old times, iyon bang babasahan ka niya libro habang matutulog ka. Ang sarap maging bata ulit, iyong walang iniisip na problema tanging laro at kalaro mo lang ang iisipin.

"Mom.."

"Yes?"

Humugot ako nang buntong-hininga bago nagsalita, I need to do this! Kailangan niya rin malaman na may pangarap ako sa sarili at matutupad ko lang 'yon ng ako ang gagawa.

"Magtatrabaho po ako kina Mr. Hiroshima."

"I know! He already told us that you will working with his company, I'm really proud of you, anak." aniya na hinaplos ang noo ko pababa sa likod ng ulo. "Hindi natin matutupad ang mga pangarap natin nang salita lang, we need to do something to fulfill that dreams."

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon