CHAPTER 19

123 36 20
                                    

Night's POV

Nang-aya si Edge na siya nalang ang maghahatid sa akin papauwe, pumayag nalang ako dahil sa pagod. Natapos ang gig at dumaretso na ako sa kotse niya, nagpaalam narin ako kina Ella na uuwe na ako.

"Get in." pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumunod nalang ako at agad inayos ang seatbelt.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko magawang mainis sa kaniya nang mabagal lang ang pagpapatkbo niya ng sasakyan. Pinatay niya ang aircon at binuksan ang side windows, marahan ko siyang nilingon.

"Iyon ba 'yong fiancee ni Core?"

Nagbaba ako ng tingin saka tumango. Tanggap ko naman pero may kirot parin akong nararamdaman.

"I'm sorry." Maya-maya'y aniya. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya at malungkot na tinitigan ang kaniyang mga mata. "Kung alam ko lang na naroon sila ay inilayo na sana kita." binalik niya ang paningin sa daan.

"Hindi mo kasalanan, Edge."

"Pakiramdam ko ay kasalanan ko, Night. Hindi kita nagagawang protektahan."

"Dahil hindi mo naman kailangang gawin ang ganoong bagay!" inis kong bulalas.

Bakit siya ganito? Bakit niya nagagawang lituhin ang nararamdaman ko ngayon? Alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa para magmahal uli dahil nakakamatay ang sakit.

Iniiwas ko ang paningin sa kaniya at tumingin nalang sa bintana. Tinanaw ko ang maliwanag na buwan at ang nadaraanan naming karagatan. Nililipad ng malamig na hangin ang maikli kong buhok. Lihim akong napaluha at pilit na tinatago ang mahinang paghikbi. Napapikit ako nang bigla nalang ihinto ni Edge ang sasakyan.

"From now on, I'll be always here for you, Night." Hinigit niya ang baywang ko.

Hindi ako nagmulat ng mga mata habang yakap-yakap niya. "Paiyakin ka man ng libo-libong tao...lagi mong tatandaan na mayroong isang ako na handa mong maging sandalan sa oras na luluha ka.

Kumapit ako sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak. Sa oras na iyon ay hinayaan at sinamahan niya ako sa emosyong dala-dala ko. Wala mang paliwanag ang lumabas sa aking labi, pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako ng kusa.

Natigil narin ako sa pag-iyak, umayos ako ng upo at tinuon ang paningin sa daan. "Thank you!"

"Wala munang 'welcome' dahil mauulit pa 'to." sabi niya. Iyon na naman ang lagi niyang sagot sa t'wing magpapasalamat ako.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Para mo naring sinasabi na gusto mo pang maulit 'to, na nasasaktan ako.." wala sa sariling wika ko.

Ramdam ko ang titig niya ngunit binalewala ko iyon dahil sa sama ng loob. Muli kong nilingon ang side window kung saan kitang-kita ang malaking buwan.

"I won't let that happen again, I swear."

Umiling ako ng umiling. "Hindi natin maiiwasan ang masaktan, karugtong na ng buhay natin ang saket." mapait akong napapikit.

Muling nagpatuloy ang biyahe hanggang sa marating namin ang bahay. Nang maparada niya ang sasakyan sa harap ng bahay ay hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto, nagkusa akong bumaba at hinintay siya sa harap ng gate.

Napatitig ako sa kaniya nang papalapit siya sa akin. Doon ko lang napansin na napakasimple niya lang kung manamit pero madating. Malinis siyang tinginan at halatang mabango. Napailing ako sa naisip.

"Can I go inside?"

"Gabi na Edge. You need to go home and rest, alam kong pagod ka rin." concerned kong sabi.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon