CHAPTER 1

585 180 102
                                    

"Night, Wake up."

Nagising ang diwa ko sa walang hintong pagyugyog sa akin. Tamad akong nagmulat ng mga mata at tumingin nang bagot na bagot sa kaniya. Muli akong nagtakip ng kumot sa mukha hindi alintana ang titig niya sa akin.

"Breakfast is ready. Bumangon kana," aniya.

"I'm not hungry."

"Hanggang kelan ka magiging ganyan, ha?" pasigaw niya nang sabi.

Hinawi ko ang kumot. Tinitigan siya. Puno ng sakit at lungkot, pinaiintindi ng mga mata ko ang aking nararamdaman.

"Hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan, hindi ako susuko. I'm still waiting, I-m waiting.."

Nagsimulang gumaralgal ang boses ko.

"SHUT UP." Tinuro niya ako. "Learn to love yourself first. Stop making this hard para lang sa isang tao, Night." dagdag niya, nagpapaintindi.

"YOU STOP Kuya." Kumikibot-kibot ang labing sambit ko. "..you don't know everything at kung meron man hindi 'yon sapat para maintindihan mo ako."

Tumayo ako at tumungo ng banyo. Nang matapos akong mag-ayos ng sarili bumaba na ako at tumungo sa dining area. Patapos nang kumain si Kuya.

"Meron kayong Gig later." aniya.

Napahinto ako sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ko at hinarap siya.

"I am not even interested, so don't talk."

Naupo ako sa harap at tinitigan siya. Seryoso siya at may bakas ng galit ang mga mata.

"Balita ko ay pupunta siya,"

Hindi ko alam na marami palang galamay 'to. Ni-hindi ko nga alam e

Nawalan ako ng gana para kumain kaya padabog akong tumayo at tinalikuran na lamang siya. Tumungo sa garahe ng sasakyan, agad kong nilinis ang kotse ko.

Pagkatapos kong linisin ay naligo ako. Umalis narin si Kuya dahil may trabaho rin siya. Mabuti nalang.

*riiiingggg.. riiiinggggg*

My phone rang. Ella Mai name flashed on my phone screen. I answered.

"FINALLY! Sinagot mo rin," bulalas niya pa, may bahid ng inis ang kaniyang boses.

"Why?" tanong ko.

Abala ako sa pagtitipa sa laptop kaya inilapag ko ang phone sa mesa.

"Night, hindi ka ba nainform?"

"About what?"

"May gig kayo later, my god!"

Muli na naman niyang singhal, mabuti nalang at hindi nasa tenga ko ang phone, baka nabingi na ako sa lakas ng boses niya. Laging pasigaw.

"I'll wait you there. If you didn't come, just quit. So easy, right?" She's already hang up the call.

It's already 8:30PM at 9:00PM ang start. Ayoko naman na mag-quit 'no kaya mas mabuting maging professional, ibang usapan ang trabaho sa katangahan.

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon