CHAPTER 24

98 25 5
                                    

Edge's POV

Nang sumunod na araw ay ramdam ko ang tamlay ng katawan ko. Busog na busog ang eye bags at laylay ang mga balikat na pinaharurot ko ang kotse papunta sa farm. Bumaba ako ng sasakyan at sumalubong sa akin si Mang Tirso.

"Kamusta iho?" bungad nito sa akin na inakbayan pa ako.

Mababaw akong ngumiti at nilibot ang paningin sa manggahan. "Ayos lang po." nilingon ko siya. "Pwede na pong bang harvest-in ang mga mangga?" tanong ko na inakbay ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa sariling bewang.

Iginaya niya ako papalapit sa manggahan saka bumitaw sa akin at pumitas ng isang bunga. "Pwedeng-pwede na!" aniya nang matapos balatan at tikman.

Nang araw ding iyon ay hinarvest nga ang mga prutas na pwede nang ibenta sa suki namin. May isang palengke ang pinakamalapit kung kaya't hindi na kami nahihirapan sa pagdeliver ng mga ito.

Gabi na nang makauwe ako sa condo na ramdam ang pagod, idagdag pa ang lungkot na laging namamalagi sa dibdib ko. Pabagsak akong nahiga sa kama, ginawang unan ang parehong braso saka tumingala sa kisame.

'Hanggang kelan ako maghihintay sayo?'

Mariin akong napapikit. Ang katotohanang natiis ko ang ilang taong lumipas at hanggang ngayon ay wala parin siya, nakakapanlumo.

Umiling-iling ako at nagmulat ng mga mata. Kinumbinsi ko ang sarili na babalik siya para sa akin at iintindihin ko siya hangga't kaya ko pa.

Nakaidlip ako nang hindi man lang nakapagpalit ng damit dahil sa sobrang pagod. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang magkakasunod na yapak sa sahig. Hindi ko agad naimulat ang mga mata dahil sa sobrang antok.

Ang nalanghap kong amoy ng sigarilyo ang pumukaw sa inaantok kong kaluluwa. Nagmulat ako ng mga mata saka dahan-dahang nag-angat ng ulo dahil nakadapa ako. Napabangon ako nang bumulaga ang nakangising mukha ng aking ama habang hithit ang sigarilyo at nasa kaniyang likuran ang mga tauhan.

"D-Daddy..." naiusal ko sa gulat.

Nakangisi siyang naupo sa sofa nang nakadewatrong pambabae. Binuga niya ang usok ng sigarilyo at sinundan pa ng tingin hanggang sa unti-unting naglaho.

"Surprisingly!" sinabayan niya nang paghalakhak. "Akala ko'y inaasahan mo na ang biglaang pagbisita ko?" aniya pa sa wikang Hapon.

Kumalabog nang matindi ang dibdib ko, maging ang pahinga ko ay unti-unting hinahabol ko na. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya naparito, isa lang ang rason.

Muli pa siyang humalakhak nang pagkalakas-lakas dahilan upang um-echo pa sa buong kwarto ko. Sunod-sunod akong lumunok upang kalmahin ang sarili.

"Bakit nga ba dito mo piniling manirahan?" aniya, kunwaring nag-iisip. "Para ba sundan ang kapatid mo?"

"What are you doing here, hindi ako sasama sa'yo!" sumibol muli ang galit sa dibdib ko dahilan upang magawa ko siyang sugurin. Ngunit, gano'n nalang ang gulat ko nang tutukan ako ng mga tauhan niya ng baril.

"Isang maling hakbang ay hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang bungo mo."

Napahinto ako't hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Paano niya nagagawa 'to sa akin?

A Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon