Night's POV
Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Mas'yadong ginugulo ni Edge ang isip ko, hindi ko alam kung bakit gusto kong magalit sa kaniya. Pakiramdam ko ay sinasamantala niya ang panahong wasak na wasak ako dahil nasasaktan.
Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay nila Ebony. Panay ang buntong-hininga ko habang nakayuko sa manibela. Napaangat ako ng tingin nang lumiwanag ang gawi sa harap dulot ng headlights ng sasakyan. Nakita kong bumaba mula sa front seat ang nakadress na si Aeshmith bago si Ebony na mula sa driver seat. Agad akong bumaba. Napalingon sila at nagulat.
"Night.." lumapit si Ebony at yumakap. "What happened? Gabi na at napadalaw ka?" nagtataka nitong tanong nang kumalas ako sa yakap.
"Let's talk inside." ani Aesh at nanguna papasok.
Napansin ko ang pananahimik nang madaldal na si Ebony, mukhang siya pa ang may malalim na problema.
"Maupo ka muna.." aniya. Nakanguso akong naupo habang siya ay nagtatanggal ng heels.
"Anong problema, Night? Magkwento ka, makikinig kami." ani Aesh na may dalang maiinom at iniabot sa akin. "I'm sorry, kanina kapa ba ro'n sa labas?"
Umiinom akong umiling, muli kong iniabot ang baso sa kaniya nang matapos kong ubusin ang laman niyon.
"Thank you!" pinahiran ko ang labi gamit ang likod ng palad. "Bago lang din,"
Pinasadahan niya ako ng tingin at saka bumuntong-hininga. "Kumain kana ba? Kung hindi pa sabay na tayong kumain, magbibihis lang ako." iniwan niya kami.
"May inaasikaso kami ni Ate kaya wala kami rito kanina." wika ni Ebony at tumabi sa akin.
"May inaasikaso kayo? Para sa'n?"
"Ate Aesh and I were going to New Zealand this coming Monday." aniya. Walang kasing bilis akong napalingon sa kan'ya.
"H-Ha? Biglaan naman yata!"
Malungkot niya akong tinitigan. "Mom and Dad needs us to be there, grandpa's passed away.." gano'n nalang kabilis na tumulo ang mga luha niya.
Hindi ko alam kung bakit naiyak din ako sa nalaman. Hindi ko pa nakikita ang lola't lolo nila maging ang parents nila ay once ko lang nakita no'ng grumaduate kami.
"I felt useless grandchild, hindi ko man lang sila naalagaan doon..." impit ang naging pag-iyak niya.
Umusog ako papalapit upang yakapin siya. Nanghihina niyang sinalubong ang balikat ko gamit ang ulo niya at doon umiyak nang umiyak. Hinagod ko ang kaniyang likod upang mapatahan, ngunit sadyang nangingibabaw ang emos'yon na maging ako ay napahikbi.
"Ayaw kitang iwan dito sa Palawan pero kailangang-kailangan, Night..."
"No! I'm fine here. H'wag mo akong intindihin Ebony dahil mas kailangan ka ng pamilya mo. You need to be strong para may masandalan ang parents mo, lalo na ang Mommy't grandma mo.."
Naabutan kami ni Aesh sa ganoong sitwasyon. Tipikal na aura ang pinakita niya, iyon bang masungit ngunit hindi nakataas ang kilay.
"Let's eat." iyon lang at tinalikuran niya na kami.
Pilit kong inaalalayan ko si Ebony patungo sa dining. Magkatabi kaming naupo samantalang si Aesh ay nasa harap namin. Tahimik kaming kumain, maging ang katabi ko ay nanginginig ang labi habang sumusubo, pinipilit hindi maiyak. Tiningnan ko si Aesh at humahanga ako na nakakaya niyang maging matatag sa ganitong klase ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
RomanceThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...