Night's POV
Nanghihina ko siyang tinulak, pinahiran ko ang mga luhang walang kapaguran sa pagpatak. Tumingala ako sa kaniya at ngumiti ng mababaw.
'Ito na ang pagkakataon para mahalin ko ang sarili ko, ubos na ubos na ako.'
"I'm happy for you, Core." Pinakita ko sa kaniya na masaya talaga ako. "Maybe, pinagtagpo lang tayo para makilala mo 'yong babaeng papakasalan mo ngayon." Huminga ako ng malalim.
Umiling siya ng umiling, hinawakan niya ako sa braso. Pinigilan ko ang sarili na mapapikit sa haplos niya, miss na miss ko 'yon, sobra.
"Kung ano mang rason ang meron ka, tatanggapin ko na 'yon. Tatanggapin ko ng buong-buo kagaya ng pagtanggap ko sayo noon." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at marahang inalis.
"Babe.... I love you." Umiiyak niyang usal. Nagbaba ako ng tingin para kalmahin ang sarili.
Mapait akong ngumiti nang muli ko siyang tingnan. "Mahal din kita," emosyonal kong wika. "But, my love for you won't enough to you to stay." Umatras ako.
"Babe..." Humakbang siya papalapit ngunit pinigilan ko siya.
Humugot ako ng lakas ng loob para muling makapagsalita. "Let's.. end this." Tinitigan ko siya ng malungkot. Ginulo niya ang buhok saka umiling. "I set you free and I forgive you, pinapatawad na kita, Core. Minahal din kita kaya ko ring magpatawad." Ngumiti ako sa kaniya saka huminga ng malalim. "I'm done with this." walang lingunan ko siyang tinalikuran.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang kotse, agad akong pumasok at doon umiyak ng umiyak. Hinayaan ko ang sarili na umiyak dahil ito narin ang huli, ito na ang huling magpapakatanga ako sa isang tao. Inayos ko ang sarili at kinuha ang cellphone na nasa bulsa at nagdial.
"Kuya. Pupunta ka pa ba?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag. Huminga ako ng malalim sa naging sagot niya. "E-Emergency? Sige, uuwi narin ako. Y-Yeah! Bye.." pinatay ko na ang tawag bago binuksan ang engine ng sasakyan.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan paalis doon. Nang maipark ang kotse sa garahehan ay agad akong lumabas at pumasok sa loob ng bahay. Agad hinanap ng mga mata ko si Kuya.
"What happened?---Oh my!" bulalas ko. Agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat upang makita ko ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang ang putok niyang labi, magulo rin ang buhok niya.
"K-Kuya.." nag-aalala kong usal.
Hinubad niya ang jacket na suot-suot kaya bumagsak sa coach ang kamay ko. Maigi ko siyang pinasadahan ng tingin, pati ang katawan niya ay sinuri ko ng maigi.
"I'm fine." aniya pa. Naiiyak akong napailing.
"S-Sinong.. Sinong may gumawa niyan sayo?" tumulo ang mga luha ko. "Nakipag-away ka na naman ba? Alam ko naman na gago karin minsan pero sana--"
"A-Aray!" umiinda niyang sabi. Napatingin ako sa dumudugo niyang kamao.
"Manang.. Manang..." sigaw ko. Lumabas si Manang mula sa kwarto niya, mukhang nagising ko siya sa pagkakatulog. "Help me, please." Lumapit siya agad at naupo sa harap ni Kuya.
"Jusmiyo! Jordan. Anong nangyari sa'yo? Kumuha ka ng maliit na planggana na may tubig, hija." utos niya.
Agad akong tumalima at tumungo ng kitchen, nanginginig ang kamay ko habang kumukuha ng tubig. Kinuha ko rin ang first aid kit na nasa drawer.
BINABASA MO ANG
A Painful Love Story [COMPLETED]
Storie d'amoreThe person you truly love will be the one who break your heart into pieces. Then, let's love ourselves before anyone else, because that's the best thing you can do to yourself. My Kuya Dan said, "Love is always there, but the opportunity is limited...