Around 10 am na akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog. I checked my phone, a missed call coming from Bella and Eric. Hindi na ako nag-abalang tawagan sila pabalik dahil ang tanging nasa isip ko ay maabutan si Mom ng gising.
Pagkatapos kung magbihis agad na tumungo akong hospital. Dala-dala ang resignatiom letter. Halos isang oras rin ang pagi-isip ko kung gagawin ko ba talaga ito but I have no choice. Kailangan ko naring suklian lahat ng sakripisyo ni Mommy sa kompanya ayaw kong mawala ito dahil lang sa hindi inaasahang pangyayari.
Sapat na ang natutunan at karanasan ko sa Nascar, Maybe it's the time.
Napahampas ako sa aking manibela ng maabutan ako ng traffic. PANIRA. I dialed the phone number of Dad.
"Good morning Dad, Gising pa si Mommy?" tanong ko sabay tanaw sa mga nakahelirang sasakyan dulot ng traffic.
"Uh-huh, Hinihintay niya daw ang princesa!" napangiti ako. "Where are you now?"
"I'm heading there Dad, medyo natraffic lang!" ng makalagpas na ako ng crossing lane humupa na ang daloy ng trapiko kaya malambot na ang takbo ng sasakyan ko.
"Tsk traffic!"
"I'll end this up Dad, I just want to park my car safely!" Umayon naman siya.
Pagdating ko sa room pansin kong may bouquet sa mesa. Pero nabalewala ko ito ng makita si Mommy na nakangiti ng makita ako.
"Mom!" Nakangiti kong sinalubong siya ng yakap. "Glad you are fine now. Ba't di mo sinabing high blood ka pala!" Pinaulanan ko siya ng halik sa mukha. Hindi kp napigilan ang aking luha na tumulo. Pagpamilya na ang pinaguusapan nagiging emosyonal talaga ako.
She tried to touch me and said something pero hindi pa kaya ng katawan niya. Masyado pang mahina ang mga ito sa ngayon.
"Wag mo munang pilitin ang sarili mong makakilos Mom, masasaktan ka lang!" Namamaos kong saad. "Atsaka dadating din ang panahon na babalik ka na sa normal. Sabay nating hihintayin iyon!"
"Wag kang mag-alala Mom, nandito naman kami palagi!" sambit ni Brent.
I saw Mom's sweet smile making my heart to melt. She's so pretty. Di na kataka-taka kung saan kami nagmanang dalawa ni Brent.
"Kanino galing yan?" turo ko doon sa bouquet
"That's from Eric. He's here an hour ago. Binisita niya ang Mommy niyo,dinalhan niya narin ng belated birthday gift dahil nga hindi siya nakapunta kahapon!" Paliwanag ni Dad. "Yung isa naman yung puro chocolates ang laman, sayo raw iyan!"
Kinikilig ako ng marealize ang sinabi ni Dad. Lahat ng paborito kong chocolates ay naroroon. Sweet.
"Kinuhanan yan ng isa ni Brent kanina!" Pahabol ni Daddy dahilan kung bakit nanliliksik ang mata ko kay Brent.
"Dad akala ko ba di mo sasabihin kay, Young Sis," Ngumuso siya. "Sorry Young sis, natatakam kasi ako eh!"
"Bushet ka!" Nagtago siya sa likod ni Dad ng binulyawan ko siya.
"Pasalamat ka nga Young Sis, isa lang ang kinuha ko!" Dinagdagan pa ng gago.
"Aba, Aba... Sayo ba 'to? Kung makaasta parang ikaw yung may-ari!" Pagmamaktol ko. "Bigay 'to ng jowa ko sakin. So this is intended to be mine, only mine!"
"Kasalanan mo rin, hindi ba sinabi mong bawal pa muna akong magkajowa!"
Napakamot-ako sa aking ulo. Ang tigas naman nitong kapatid ko.
"Bakit babae ba ang magbibigay sayo? Oi-oi di gentleman. Tsk!"
"Hayan naman kayong dalawa. Dalaga't binata na kayo pero kung makaasta para paring mga bata!" Si Dad sa malalim na boses.
BINABASA MO ANG
Faded (Published Under TDP Publishing House)
RomanceShadows are only created when there is a source of light. And so Bernadette Wood was the only source of her own bliss. She everything relishes afore. But unexpected thing transpire. Someone appeared in her solitary life denominated Eric Asterio. The...