Chapter Nineteen

147 33 28
                                    


"Can we talk for a moment?"
he said nonchalantly.

Bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko. Sa hindi mapaliwanag na dahilan bigla akong kinabahan. Sumunod ako sa kanya palabas hanggang sa huminto siya malapit sa fountain.

Namataan ko si Tita Alexa at Tito Jeffrey na pasakay na sa kanilang SUV kasama si Zelai at kanilang personal driver.

"Hindi ka pa uuwi?" He stayed his cold stare facing at me. Pinagpagan ko ang upuan tsaka umupo at tinuro ang parte sa gilid ko ."Dito ka sa tabi ko, Babe!"

Tila'y hindi niya ako narinig dahil ibinulsa niya ang kanyang dalawang kamay ng nakatayo parin sa harapan ko. Iwinagayway ko ang aking kamay malapit sa mukha niya. I saw frustration in his eyes.

"Dette, I have something to tell you!" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Ang mapupungay niyang mata ay napalitan ng pagiging malamig na titig.

"Oh bakit nagmistulang nawala ang endearment natin?" I tried to lighten up his mood and to our conversation but he's too cold enough that even the people roaming around can't break it.

Ginulo niya ang kanyang buhok. Wrong Move dahil mas lalo pang naging frustated ang mukha niya.

"Sorry! Sorry! Sige na.." Sineryoso ko na siyang hinarap. "Sabihin mo na!"

He lost his mind for a moment.

"Let's end this, Dette. Ayoko na, nakakapagod na. Napapagod na ako!"

Nakakunot-noo akong tumayo.

"Ipahinga mo lang iyan Eric, Pasado alas-dose na naman kaya tiyak na pagod ka talaga, nagmula ka pa sa trabaho kaya magpahinga ka!" malumanay kong sabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit inilayo niya agad ito ng mapansing ang ginagawa ko.

"Let's end our relationship, Dette. Itigil na natin ang kahibangang pinaggagawa nating dalawa,"

"Kahibangan? Bakit may mahal ka na bang iba bukod sakin?" naguguluhan kong tanong.

Pano ba naman para siyang buntis, may mood swing. Minsan maayos minsan naman ang lamig ng pakikitungo niya sakin.

"Hindi naman sa gano'n---"

"Eh bakit ka nga makikipaghiwalay?" nakataas-kilay kong tanong.

Napahilamos siya't ipinikit ang mata.

"Ayoko na. Sabi ng Pagod na ako. Pagod na pagod ng intindihin ang relasyon natin. Wala na itong patutunguhan pa pagnagtagal pa tayo." inilayo niya ang kanyang mukha sakin ng mapalakas ang kanyang boses.

"Ganun-ganon nalang 'yon? Porket napapagod ka na hihiwalayan mo nalang ako. Pano ang dalawang taong pinagsamahan natin? Masasayang nalang iyon dahil sa pagod ka na,dahil sa ayaw mo na? Pano ang n-nangyari sa 'tin? Balewala nalang ang lahat ng iyon?"

"Forget about what happen to us, forget everthing. Memories Sweet moments, The year we spent together, ang nangyari sa 'tin dahil wala na akong pakialam doon.--" nasampal ko siya.

Umatras ako ng kunti dahil parang bulkang nagaalburuto ang ulo ko.

"Sa tingin mo ba ganoon nalang yun kadali? Tell me you didn't mean it, Eric. Sabihin mong nagbibiro ka lang o baka may kalukuhan ka lang. Alam mo, alam ko na ang mga bagay na iyan. May pakulo kang--"

"Sorry Dette, but I really mean it,I'm breaking up with you!"

Umawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mata. Sa hindi mapaliwanag na dahilan bigla nalang nanikip ang dibdib ko.

"Pero Eric, wala naman tayong problema sa relasyon natin!" Hindi ko napigilang mapalakas ang aking tinig. "Wala naman akong maalala na gusot sa ating dalawa,"

Faded (Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon