Kabanata 20

38 1 0
                                    

"Anya! What have you done! Were minors! Anong gagawin natin ngayon? kaya ba natin silang buhatin?!" Inis na sabi ko kay Anya.

"Oy! Iyel ang ingay mo." Sita ni Hard na lasing. May naramdaman akong yumakap sakin at tawa naman ng tawa si Anya.

"Hon ikaw ba yan?" Sabi Hanna at humalik sa pisngi ko, tinulak ko sya papalayo.

"Anya tumawag ka ng staff! Hindi yung tumatawa ka dya~" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng sumigaw si Hanna.

"Hon ayaw mo na ba sakin? Bakit mo ko tinulak!?" Sigaw ni Hanna. Nakita ko si Hard at Adrian mag kayakap ng parang mag jowa, ang sarap nilang picturan pero ako lang ang matino ngayon.

"Aries calm down, baka atakihin ka nyan." Nagulat ako nang nag salita si Zin.

"Hindi ka lasing?" Tanong ko.

"Hindi, high tolerance ako sa alcohol." Sagot nya.

"Lasinggero ka?"

"Hindi sa ganon, palagi lang nag aaya si Papa mag wine tuwing may festival ma nagaganap sa China." Lasinggero parin.

"Oo na, inaantok na din ako." Sabi ni Anya at nag tangkang pumasok na sa hotel.

"Oy! Geminidianinia Zen! Tulungan mo kaming buhatin tong mga toh! Ikaw naman may kasalanan nito eh!"

"Oo na!" Sigaw nya at tinulungan kami. Dumating ang mga staff sa pag buhat pero kay Hanna lang! unfair.

Umupo na muna ako sa sofa, at tiningnan ng masama si Anya. "Matulog ka na, baka may plano si Hanna na mag gala bukas." Sabi ni Anya at pumasok sa kwarto nya.

Psh! Ano naman kaya na isip non at nag dala ng chocolate whiskey?

Pumasok ako at nanood muna ng K-drama bago matulog, ang pogi ng bida pag naka pout hindi katulad ni Zin pag naka pout kala mo manununtok. Uminom muna ako ng gamot bago matulog.

Ang himbing ng tulog ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko, kaya madalian akong napatayo, dahil alangan namang may makapasok na tao dito, kung si Anya naman ma code kami na limang katok, eh tatlo lang naman yung katok.

Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si Hanna naka halumpasay sa sahig!

"Hanna anong nangyari?! Hala!"

"Ang sakit ng ulo ko... nahihilo ako." Sabi nya nang naka pikit.

Ganon ba kalakas ang tama ng alcohol sa kanya? Grabe naman unang beses palang ata nya uminom! Twenty percent lang yun.

Dinala ko si Hanna sa kama ko at Kumuha ako ng tubig, towel, at gamot sakto may dala akong pain killer.

"Oh inumin mo, ubusin mo yung tubig para mawala yung hilo mo." Sinunod ni Hanna ang pinagawa ko.

"Bakit ka may pain killer?" Tanong ni Hanna na nag pakaba sa akinm

"Ah eh, kasi madalas sumakit ang ulo ko, you know naman madami tayong ginagawa ngayon kasi graduating tayo."

"Ok, Iyel may sakit ba si Zin?" Tanong nya.

"Wala, bakit?"

"Kasi may nakita akong medicine box, nung pumunta ako sa kusina at nakita kayo ni Zin na nag huhugas ng plato, nung nag sleep over tayo kali Anya." Sabi nya.

Shit! Kaya pala biglang nawala yung medicine box ko at nakita ko sa kwarto ni Anya.

"Eh ikaw, Iyel may sakit ka ba?"

"Wala, maliban sa hika." Pag sisinungaling ko "Ano bang klasing gamot yung nakita mo?"

"Malay ko." Sabi nya.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon