Prologue

31 1 0
                                    

Masayang nag uusap ang mag asawa sa sala kasama ang kanilang pamilya, Silang lahat at maiingay na nag uusap at nag tatawanan.

"Anong ipapangalan ninyo sa kambal, Aroon? Malapit na ang ka buwanan ni Thrianna." Tanong ni Celestine ang asawa ng kapatid ni Aroon.

"Ariesthrielle at Ariesanna. Aries sapagkat sa Abril sila ipapanganak." Sagot ni Thrianna.

"Napakagandang pangalan, siguradong maganda sila pag nag dalaga." Papuri ni Celestine.

"Nako! Kayo ni Jun? Kailan mag kakaanak?" Tanong ni Juria na kanilang ina na tulak ang wheel chair ni Zeng zumu.

"Wala pa sa aming plano, mama." Sabi ni Jun.

"Dapat mag kaanak na kayo ni Celestine bago pumanaw si Mama." Tukoy ni Mama Juria kay Zeng zumu.

"Pumanaw ka dyan! Matagal pa akong mabubuhay, makikita ko pang lumaki ang mga apo ko sa tuhod." Saway ni Zeng zumu kaya nagtawanan sila na ikinainis ng matanda.

Dumating ang araw na manganganak na si Thrianna, lahat ng tao sa tahanan ng mga Yang ay nag kagulo. Agad agad na dinala si Thrianna sa ospital. Habang nasa byahe.

"Hindi na ako magpapaanak sayo, Aroon!" Sigaw ni Thrianna habang humaharurot ang sasakyan nila papuntang ospital.

"Apelyido?" Tanong ng doctor.

"Hang." Hindi na nabigkas ng maayos ni Thrianna ang kanyang apelyido dahil tumalab na ang pampatulog.

Si Aroon ay nasa labas lang ng delivery room at kinakabahan. Tinitapik nya ang kanyang tsinelang at hindi mapakali. Gusto niyang pumasok sa delivery room at tingnan kung maayos ang lagay ng kanyang asawa.

Kinuha ng nurses ang dalawang sanggol na bagong panganak at nilinisan ito.

"Hang's Babies, Calling for Mr. and Mrs. Hang." Tawag ng Doktor.

"Kaninong anak kaya yon? walang kumukuha." Sabi nung isang babae.

"Mrs. Hang eto na po yung babies nyo." Sabi ng nurse.

"Baka sa iba yan, Yang ang apelyido namen." Sagot ni Aroon

"Hindi po, sainyo po ito malapit naman po sa apelyido nyo, Hang at Yang. Baka mali lang po ang pag kakabigkas ninyo, tsaka po walang Yang na naka sulat samin." Sagot ng nurse kaya kinuha nalang nila ang kambal.

Nag taka ang mag asawa nang makita nila ang isang sanggol. Napaka liit nito samantalang ang kambal nito ay malusog naman.

"Kailangan po silang ilagay sa incubator lalo na po yung isa, mahina po ang puso ng anak nyo." Mga ilang sandali ay may bumalik na nurse.

Nangamba ang mag asawa sa sinabi ng nurse dahil baka mapaano ang anak nila. Baka mag karoon ng diperensya sa pag laki ang anak nila.

"Mahina po ang tibok ng puso ng isa ninyong anak, kailangang mag stay siya dito sa ospital upang palagi namig masusubaybayan at maging malusog ang bata. Pero pag lumaki ang bata, palaging pagurin at hinihika dahil sa kanyang puso." Sabi ng doktor.

Sumunod ang mag asawa sa sinabi ng doktor. pag kauwi nila.

"Nasaan ang isa?" Tanong ni Mama Juria

"Nasa ospital Ma, mahina ang puso ng kambal ni Ariesanna." Malungkot na sagot ni Aroon.

Palaging karga ni Mama Juria si Ariesanna, at kinakantahan ng pampatulog habang hinehele. Wala sila Thrianna at Aroon dahil nasa ospital sila upang bantayan si Ariesthrielle. Halos hindi na mapansin nila Thrianna at Aroon na may isa pa silang anak na nangangailangan ng aruga dahil sa palaging pag punta sa ospital. Pagkatapos ng ilang buwan, umayos ang lagay ni Ariesthrielle, ngunit kailangan parin itong subaybayan ng mabuti.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon