Kabanata 24

9 1 0
                                    

(Play the vid on the multimedia)

Zin's POV

Nahuli kami ni tita Celestine nang ihatid namin si Aries kaya napagalitan kami bago umuwi.

Kakatapos ko lang maligo at matutulog na kaso biglang tumawag si Aries. Hating gabi na ah? Bakit pa gising toh?

"Hello?"

"Leo! Tingnan mo may eroplano!" Napangiti ako nang tinawag nya kong Leo. Lumapit ako sa bintana at nakita ko ang eroplano.

"Oo nga nakikita ko."

"Oh?! Connected pala ang sky!? Kakaway ako ah! Sabihin mo pag nakita mo ah!"

"Baliw ka talaga! Kala mo naman makikita ko! Matulog ka na nga hating gabi na."

"Wait lang! Wag mo i end! May sasabihin pa ko." Kaya hindi ko inend.

"Punta ka dito bukas, hindi pa daw ako pwedeng idischarge eh. Dala ka ng croissant galing sa Farine ah!" Sabi nya.

"Hmm, sige." Sabi ko.

"Aabangan ko yan ah!"

"Oo, Bye sleep well." Inend ko ang call at natulog.

Nagising ako at naligo. Naka pang alis nako nang bumaba.

"Oh!? Zin san ka pupunta?" Tanong ni Geminidiania.

"Sa ospital, I will visit Aries."

"Sama ako, hintayin mo ko ah! Bihis lang ako."

Nag hintay lang ako sa sala.

"Zin, motor ni Iyel gagamitin natin?" Tanong ni Geminidiania, haba ng pangalan ikli naman ng apelyido. Bungangera din kaya hindi bagay ang nickname nya na Anya.

"No, wala akong susi." Tawa kong sabi.

"Nyeks! Dapat pinahanda mo yung sasakyan!"

Bumyahe na kami papuntang ospital nag pa translate ako kay Anya na dumaan kami sa Farine para bumili ng croissant Ang hirap ng language barrier!

Hawak ko ang paper bag ng croissants habang Papalapit kami sa kwarto ni Aries pero napa tigil kami nang may marinig kaming ingay sa kwarto ni Aries.

"Miss Yang! Look at me! Take a deep breath!" Sumilip kami sa pinto.

"Argh!" Nakita ko si Aries na nakahawak sa dibdib nya at hindi mapakali.

"Miss Yang! Miss Yang!" Sigaw ng nurse, nakita kong parang na wawalan na ng malay si Aries.

"Miss Yang look at me!"

Nabangga ako ng doctor na papasok kaya nabitawan ko ang paper bag ng croissant.

"Go back to your house! We won't accept visitors today." Sabi ng doktor.

Ang kamay ni Aries na hawak ko lang kagabi ay bumagsak mula sa pagkakahawak sa bed railing at sinarado ng doctor ang pinto.

Narinig ko ang pag bagsak ni Anya kaya napalingon ako sa kanya, isa isang tumulo ang luha nya, ako naman ay napa sandal sa pader at natulala.

It hurts to see your loved one, being in a life and death situation.


Pinauwi na nina tita sila Hanna, Hard at Adrian dahil three days lang naman ang paalam nila. Kami nalang ni Anya ang natira dito sa China.

"Ilang araw naring nasa ICU si Iyel." Nandito kami sa cafe ni Aries.

Uminom ng kape si Anya saka sumandal at bumuntong hininga. Hindi ako umimik.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon