Epilogue

11 0 0
                                    


Lumapag na ang eroplanong galing sa Estados Unidos, iba't ibang lahi ang bumaba mula rito, kasama na rito si Zin Leonardo Mien.

Pagkalabas ni Zin sa airport, nalanghap nya ang hangin ng ka maynilaan.

Habang siya ay nasa byahe, pinagmamasdan niya ang mga matatayog na gusali, at mga sasakyan na kasabay nila.

Tumigil ang taxi sa isang Mansyon na binili ng magulang ni Zin dahil sa Pilipinas na siya mag aaral.

Nang bumaba sa taxi si Zin narinig siya ng ingay mula sa dalawang babaeng nag lalakad.

"Excited na talaga ako Anya pumasok! Namiss ko na yung library!" Sabi ng isang babaeng chinita, maputi, at ang buhok ay hanggang beywang.

"Asus di mo ko maloloko, gusto mo lang makita si Levron." Sabi ng babaeng chinita din ngunit kita parin sa kanya ang dugong Pilipino.

"Luh~~"

Humina ang boses ng babaeng nag dadaldalan ng pumasok si Zin sa mansyon. Napangiti sya nang maalala nya ang ngiti ng babaeng chinita na mahaba ang buhok ngunit agad din syang napa iling nang pumasok sa isip nya ang ipinunta nya rito sa Pilipinas.

Nais nyang mahanap ang kanyang mga kababata dahil na ngako sila sa isa't isa na mag papakasal sila pag nasa tamang edad na, ngunit hindi niya matandaan ang pangalan ng kaniyang mga kababata. Ang tanging na aalala ni Zin ay mag kikita kita sila sa Pilipinas ngunit walang saktong lugar.

Napa buntong hininga si Zin, at pumasok sa kanyang kwarto. Balak nyang matulog at pumunta sa ospital upang bisitahin ang kanyang kaibigang doktor.

"Zin!" Bati ng kaibigan nyang doktor.

"Miss you bro." Sabi ni Zin at tapik sa doktor.

"Bakla ka na bro." Sinamaan sya ng tingin ni Zin.

"Biro lang, Oh? May nahanap ka na ba?" Tanong ng doktor.

"Ang laki ng Pilipinas Leo, paano ko sila hahanapin? Patawag natin lahat ng chinitang babae?" Seryosong sabi ni Zin.

"Sabagay, saan tayo mag sisimulang mag hanap?" Tanong ni Leo.

"I don't know, I'll be busy for the next days, I have classes." Kibit balikat ni Zin.

"Okay, start with your school." Tapik ni Leo.

"Ano ba toh? Tirador ng chinita?" Natatawang sabi ni Zin.

"Yes." Kindat ni Leo.

"Sayo muna to, baka mawala ko." Binigay ni Leo ang pendant nya na meroon din si Zin at kaparehong kapareho nito iyon.

Nag pumasok si Zin sa classroom, sumalubong sa kanya ang maingay at magulong mga kaklase. Napa buntong hininga sya at umupo sa gitna ng tatlong bakanteng upuan.

"Girl, ang pogi! Tingnan mo mukang bago." Narinig ni Zin ang mga bulungan ng mga babae sa harapan. Napailing na lang sya at kumuha ng libro para itago ang muka nya.

Tumahimik na ang lahat ng dumating ang teacher nila, nag simulang mag pakilala ang bawat isa.

Habang nag sasalita si Zin, bumukas ang pinto sa napakaingay na paraan. Nakita ni Zin ang dalawang babae na nakita nya rin kagahapon.

"Miss Yang and Miss Zen! Go to the detention room!" Sigaw ng teacher nila kaya sumunod yung dalawang babae.

"Continue."

Nag iikot ikot si Zin sa school at huling napuntahan nya ay ang library pinapaikot ikot ni Zin ang pendant ni Leo nang papalabas na sya.

Ayaw pumihit ng pinto kaya sinubukan ulit nya pero nagulat sya nang may malakas na pwersa tumulak rito at dahil don natumba sya at dama nya ang sakit nang may dumagan sa kanya at may tumama sa ilong nya.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon