Kabanata 27

4 1 0
                                    

Sorry kung naging food wars hindi kasi ako maka get over. Lol.

Dumaan ako sa staff door papunta sa kitchen. Sana nakayanan nila ang pagluluto! Nag palit ako ng uniform at napansin ko na nakasuot pala ako ng hair net magdamag! Muka akong shunga! Pumunta ako sa kitchen at patuloy na nag luto hanggang matapos ang araw.

Lahat kami ay naka bagsak sa upuan, binigyan ko sila ng thirty minutes para mag pahinga pangkatapos ay mag lilinis at magliligpit na.

"Lahat kayo, sumama sa bahay ko ipag luluto ko kayo!" Tumango at sumangayon silang lahat na may bakas ng pagod.

Nakasakay kami sa SUV habang papunta sa bahay ko. Lahat sila ay masigla na at maiingay sa byahe.

Nang makapasok kami sa bahay ay bakas ang pagkamangha sa kanilang mata.

"Wow Chef. Cheng! Bahay tawag mo dito?" Tanong ng isang staff, isang ngiti lang ang naisagot ko.

"Feel at home kayo, pero kung may hiya kayo. Kayo ang bahala." Sabi ko at iniwan sila at pumunta sa kitchen.

"Naks naman chef! Kusina nyo doble ng nasa restaurant."

"Ah! Mahilig lang talaga ako sa gamit pang kusina."

"Paki sabi sa kanila kung may gusto sila, sabihin lang nila sa katulong." Sabi ko.

Nag simula na akong mag isip kung anong lulutuin ko at sinimulan nang ihanda ang mga sangkap para makapag simula, naisipan kong mag luto ng Beef Teriyaki, Rellenong Bangus at Mocha cake.

Mabilis lang ako natapos at nag hihintay nalang itong maluto nang may nag door bell. Nandito na sila.

"Pagbuksan mo sila." Sabi ko sa isang katulong, pinatay ko ang kalan at pumunta sa sala para salubungin sila.

"Mommy!" Sigaw ng kambal at yumakap sakin.

"Hello! Jezrael and Justine!" Bati ko

"Congrats Iyel!" Sabi ni tita Celestine ngumiti naman sakin si Tito Jun.

Binati ako nila mama at papa, binatukan naman ako ni ate dahil sa nang yari kaganina. Nandito din si Mrs.Cheng at Mr.Cheng, binati din ako ni Leo kasama si Anya na girlfriend nya na. Nandito din si Xiao na asawa ni ate pati ang pamilya nila. biglang umingay ang bahay ko nang dumating sila.

"Ang layo rin ng narating mo Iyel. Worth it ang ginawa ko." Yumakap sakin si Anya.

"Buang! Dahil sa sinabi mo kay Zinunget umasa pa na babalik ako!" Batok ko sa kanya.

"Oh! Nagkita kayo?!"

"Oo! Parang ewan kasi si ate! Ginawang investor amwala!"

"Oh?! Anong ginawa mo?" Kinuwento ko sa kanya ang nang yari at tawa sya ng tawa ng parang bano.

"Baliw ka talaga! Ginamit mo pa yung kuya mo!" Di ko alam kung bakit palaging namamalo si Anya tuwing tumatawa!

"Pero tingin mo tama yung ginawa ko?" Tanong ko.

"Hindi! tototohan kita kasi kaibigan kita ayaw kong maging konsintedor. Mali yung ginawa mo, dapat hindi mo sya tinakbuhan, kahit mag explain ka manlang."

"Anong sasabihin ko?"

"Malay ko! Aba! Ako ba ikaw?" Pilosopo nyang sagot.

"Yun nga eh, hindi ako ready na kaharapin sya, malay ko ba na makikita ko sya edi dapat nag handa ako ng speech!" Biro ko.

"Pero ang totoo gusto maging selfish, gusto kong mabuhay ng wala sya." Bigla naman nya kong binatukan!

"Hoy! Ariesthrielle! parang kaylan lang nung pabalik ka ng Pilipinas sabi mo gusto mo syang makita!"

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon