Kabanata 31

13 3 0
                                    

Anya's POV

Nag suggest si Hanna na mag resort kami, malapit na kasi ang graduation namin at yung last na bonding namin bitin, nung nag camaroan kami.

Sagot daw ni Hard lahat kaya agad namang sumang ayon naman kaming lahat. Sino bang aayaw sa libre?

"Ayos na ba lahat? wala ba kayong nakalimutan?" tanong ko sa kanila.

"Wait! ako meron nakalimutan!" Sigaw ni Hanna.

"Ano?!" Sigaw din namin sa kanya. Ang lapit lapit namin sa isa't isa nag sisigawan pa kami.

"Yung bebe ko." Lahat kami tumigil sa sinabi nya.

"Hard break na kayo?" Sabay naming tanong ni Iyel.

Bigla natahimik si Hanna at si Hard naman ay napa iwas tingin. What happened to them?

Naghintay kami ng 10 mins at dumating na sa wakas ang boyfriend ni Hanna.

My gosh! Saang lupalop ng universe nakuha ni Hanna yung bago nyang boyfriend?! Ang pogi! Pero mas pogi si Adrian.

"Hi baby." Sabay halik sa pisngi ni Hanna.

"Baby, sila pala Anya, Adrian, Iyel Zin... and Hard." Parang napipilitan syang sabihin ang pangalan ni Hard.

"Hi I'm Anthony nice to meet you." Pakilala samin ng "bagong" nobyo ni Hanna.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay umalis na kami. One hour later ay nakarating na kami sa resort ang laki at ang ganda ng resort nila Hard.

Hanna's POV

Gulat na gulat sila nang sinabi ko na may nobyo na ako. hmm patagalin ko pa kaya actually ko nang gusto sabihin sa kanila nahihiya lang ako.

"Baby tawag na tayo gising na." Pag gising sakin ni Anthony.

Lumabas na kami sa van at kinuha ang mga dala naming gamit 3 araw lang kami dito sa resort at balik na kami sa dati naming gawi.

"Hanna totoo ba talaga to?" Bulong sakin ni Iyel.

"Oo?" Kahit ayaw ko talagang sagutin yung tanong nya.

"Naninigurado lang." Tango tango nya.

"Oy! kayong tatlo dyan pasok na!" Sigaw ni Adrian samin.

"Oo papunta na jan!" Sigaw naman ni Anya.

Pumunta na kami sa mga kwarto namin. Maya maya ay tinawag kami ni Iyel para daw kumain at saka mag siswimming na kaya bago ako lumabas ay sinuot ko na ang swimsuit ko at pinatungan ko ng robe.

"Hmm, ang bango." Sabi ko pag kababa na pag kababa ko.

Kasabay ko si Anthony at nakita kong nakatingin si Hard kaya nag iba siya ng tingin. nakita ko sila Anya na naka roba din at ang mga lalaki naman ay naka short at sando maliban kay Anthony na di pa nag papalit ng damit.

"Hanna sorry pero kailangan ko na umalis, nandon na daw sila." Bulong sakin ni Anthony.

"Sige, okay lang, thank you libre kita next week."

"Guys, sige alis na ko may kailangan akong puntahan, bye." Paalam ni Anthony at saka umalis na.

Pag tingin ko kila Anya ay nakita ko sa mga mata nila na nag tatanong na "bakit umalis nobyo mo anong nangyari?" Ito na sasabihin ko na.

"It's a prank!" Sabi ko na para bang ako lang ang natuwa.

Lahat ng mata nila gulat.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon