Kabanata 18

26 1 0
                                    


Tumama ang malamig na hanging sa aking muka sabay ng pag lipad ng aking buhok. Nandito ako sa rooftop ng school namin.

Isa dalawa tatlo apa lima anim, at pito.

Pitong gamot ang nasa kamay ko ngayon na kailangan kong inumin tatlong beses sa isang araw, itinapon ko ito sa ere at sunod sunod na tumulo ang aking mga luha.

Wala akong paki-elam kung mahal man ang pitong gamot na tinapon ko dahil alam ko namang hindi nako gagaling. Nakakatawa, umiinom pako ng gamot kahit alam ko namang sa dulo mamamatay parin naman ako.

Napa dapa ako sa pang hihina at humagulgol. Bakit kailangang kung kailan ko na sya na hanap dun pako mamamatay, tama lang naman na hindi ko sya sinagot ahh, pero bakit? Alam ko namang walang magagawa ang pag iyak ko eh pero eto ako umiiyak na parang baliw.

"Shh, tahan na Aries baka mamaya atakihin ka nyan." Patahan ni Anya, niyakap ko sya at lalo pang umiyak.

"Mas maganda ngang atakihin ako para, mapadali nalang hindi nako mag hihintay ng pitong taon, pwede namang mas paagahin natin imbes na mag hintay ako ng pitong taon, eh mamamatay din naman ako sa dulo."

"Wag mong sabihin yan! Alam mo bang may mga taong gusto ka pang mabuhay!" Suway ni Geminidiania.

"Paano? Geminidiania? Paano ako mabubuhay?"tanong ko "I'm like living and dying!"

"Shh, sigurado akong gagawin lahat nila tita at tito para mabuhay ka."

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib at hirap sa pag hinga, at nag simulang tumunog ang pulse rate watch ko at nag dilim ang lahat.

Nagising ako na nasa clinic nako katabi si Anya, parang dati acting ang ginagawa ko para maka punta dito ngayon totohanan na, tumayo ako kaya na gising si Anya.

"Okay ka na? Ang bigat mo kaya tinawag ko si Zin."

"Pwede ba wag mo nang sasabihin yang pangalan na yan." Sabi ko at lumabas sa clinic, humabol naman si Anya.

"Bakit?"

"Gusto ko syang malimutan pati yung pangako namin sa isat isa, nakakasama yon sa puso ko bawal ako mag labas emotions. So starting today, I'm not the old Ariesthrielle Yang at hindi narin ako mag papanggap na si Arisella Zen dahil alam na naman din ng lahat." Sabi ko at wala namang comment si Anya.

Now my only priority is to graduate junior high at gawin lahat ng gusto ko hanggat na bubuhay pa ako.

"Lika balik na tayo sa room." Aya ko

"Eh na excuse na kita kay maam."

"Edi gumala nalang tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta sumama ka nalang sakin." Sabi ko at hinila sya palabas ng room, alas tres na naman kaya pwede nang lumabas, tinawagan ko yung driver at sinabi kung saan kami pupunta.

"Saan ba kasi Iyel? Siguraduhin mong may malapit na ospital don ah!"

Di ko sinagot si Anya dahil sa sinabi nya, feeling ko na su-suffocate ako pag palaging pinapaalala na may sakit ako parang pinapaalala narin nilang malapit na akong mamatay.

Walang nag salita sa two hours na byahe at nang makarating na kami piniringan ko si Anya gamit ang panyo at saka ko nakita yung naka burdang "Leo", I'm not kind of person na madrama so imbis na malungkot gusto kong tumawa. Eto yung panyong may kasalanan kung bakit ko naalal si Zin eh, sarap itapon.

"Umayos ka Iyel! Pag ako na disgrasya ikaw una kong sisisihin!" Banta ni Anya.

"Wag kang mag alala mas mauuna ako sayo, kaya sumunod ka nalang sakin ikaw na nga tong sinursuprise ikaw pa ang galit!"

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon