Kabanata 21

29 1 0
                                    


"O, buwan ng Mayo Noong tayo ay naglalakad O, sabi mo Pagmasdan ko Mga talulot ng
Kalachuchi Puti at dilaw Dahil sa init Bumabalik ang dugo O, alam ko Na wala ng Masayang Nangyayari Sa buhay mo Tila ika'y multong walang kulay Nanlalamig, namumutla
Namamatay, naghihingalo Kalachuchi Puti at dilaw Dahil sa init Bumabalik ang dugo."

Sabay sabay naming kanta ng kalachuchi ng Munimuni. wah! Nakita ko na sa personal si Jolo! Para kaming hinehele sa lamig ng boses nila TJ at Adj!

Nandito kami sa gig ng Munimuni! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong dinala ni Zin dito at kung papaano nya nalaman na fan ng Munimuni, sakto pa! Kasama nila si Clara Benin sa susunod na kanta! Gosh! Kahit malayo pa ang birthday ko parang regalo na sakin toh!

Yumakap ako kay Zin at sumigaw ng...

"Munimuni!! I love you!" Naramdaman ko lumapit ang muka ni Zin sakin.

"I love you too." Bulong nya kaya pinaningkitan ko sya. Landi neto.

"Come on Aries, di ka manlang mag papasalamat na dinala kita dito..."

"Aminin mo munang stalker kita." Asar ko.

"Hindi ako nang iistalk." Giit nya.

"Paano mo nalaman na fan ako ng munimuni?" Taas kilay kong tanong.

"Nakita kong kasali ka sa fan page nila sa Facebook." Inirapan ko nalang sya dahil totong kasali ako sa fan page nila.

"Okay, thanks" I said in a nonchalant voice.

Pagkatapos ng kalachuchi ay "Tinig" at "Kasama kita" na bago nilang kanta at pag katapos noon ay nag pakita na si Clara Benin at kumanta sila ng "Solomon".

Nag picture picture kami pag katapos non ay hindi na kami nag tagal ni Zin dahil pupunta pa kaming mall para mamili ng damit para sa pictorial namin bukas, para sa graduation at para sa graduation ball. Hindi na toga ang gamit ngayon kaya ang sabi ng teacher namin ay White or beige sleeveless dress sa babae na below the knee ang haba at sa lalaki ay naka barong.

Tinulungan ko si Zin mag hanap ng kung anong bagay sa kanyang barong, nahirapan ako ng barong kahit pareparehas lang naman ang design, pag kakaburda lang ang pinag kaiba! Pogi kase, kainis! Intsik na naka barong!

"Zin Leonardo! Pumili ka nalang ng gusto mo kahit ilan! Mag sasara na yung mall wala pa akong napipili!" Frustrated kong sabi.

"Wala ako pili, pogi ako lahat." I rolled my eyes because of his Chinese talk.

"Ako din, ganda lahat. Kaso Zin lang ako." Ngumisi sya sakin.

"Akin ka lang." He whispered.

Kinuha ko lahat ng gusto kong dress at sapatos tsaka dumaretso sa cashier, cash lang ang ginamit ko dahil nasa bababa lang ng five thousand ang presyo. Biglang may yumakap sakin patalikod.

"Siguraduhin mong maayos yang soot mo, Ariesthrielle." Bulong nya, ngumisi naman ang sales lady samin.

"Tss. Parang nag sosoot ako ng malaswang damit." Sabi ko kaya bumitaw sya At nauna ako sa parking dahil sa pagkapahiya mga ilang minuto ay dumating na din sya at nag drive, at muka namang hindi na bored yung chaperone ko sa sobrang tagal namin.

"Zin uuwi ba sila tito at tita Zein sa China sa April?" tanong ko.

"Not sure pero sasabihan ko sila, you know mini reunion."

"Pilitin mo sila Zin, pag ayaw nila sabihin mo sabi ko." Inikutan nya lang ako ng mata.

"Zin bakit ang hilig mong iikot yang mata mo, buti di ka mukang bakla." tawa ko.

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon