Hindi pa rin ako makalingon sakaniya. He held my hand to catch my attention.
"Miss.." he called me again. Hindi siya sumusuko ah?
Binalingan ko siya gamit ang inis na mukha ko.
"What? Umuwi ka na at mag gagabi na." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinatak papunta sakaniya. Uminit ang pisngi ko. He made me sit on his fucking lap! Paano ako hindi magugulat?
Hinigpitan niya ang pagkakakulong sa akin at ang mga hawak sa kamay ko. Ngayon wala na akong kawala. Bakit ba hindi ko to naisip na pwede niya itong gawin?
"Sabihin mo sa akin ang problema natin.. Hindi kita titigilan.." he almost whispered on me. Napakagat tuloy ako sa labi ko.
"Wala nga sabi! Umuwi ka na at mamaya maabutan ka pa ni kuya dito.." Umirap ako.
"Wala akong pakielam kung dumating ang kuya mo.. sagutin mo ako please.." he begged me and continued playing with my hands.
Umiling lang ako. Paano ko sasabihin sa kaniya kung ganon? Bakit kayo nandoon ni Haze sa baba at halos magtitigan na sa sobrang tagal? Inalis ko ang iniisip dahil nakaramdam na naman ako ng selos!
Kumakawala ako sa mga bisig niya pero mas niyakap niya pa ako para hindi maka alis! Damn!
"Lakas magtitigan sa baba amp.." halos pabulong kong sabi. Napatingin ako sa kaniya noong umangat ang tingin niya. Narinig niya ata! Shit.
"What? Nakita mo kami kanina?" He chuckled. Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Wow! It's like he told the truth without knowing my feelings!
"Ano naman?" Cold kong sabi. Noong lumuwag na ang pagkakayakap niya ay tumayo na ako at pumunta sa bathroom.
Tumapat ako sa salamin at naglagay ng para sa mukha ko.
"Ry.. Nagtatanong lang siya kung saan ang banyo.." pumasok na rin siya sa bathroom at tumitig sa akin mula sa salamin.
"Who cares?" Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa ginagawa.
I heard him groaned and felt his hands on my waist.
"Of course, ako. I care, Ry.. ayokong galit ka sa akin.." He hugged me from my back. I bit my lower lip with what he did! Ry, kumapit ka ha! Dapat galit ka!
I felt him on my neck. Ramdam ko ang mga maiinit na hininga niya roon. Ramdam ko rin ang ilong niya na nakadikit doon. I pouted.
"Ano ba kasi ang ginagawa niyo roon?" Wow Ry! Bakit ka bumibigay ngayon?
"Nagtatanong nga siya.. You know, I think you should not be with her.." Sabi niya. Ayan na naman siya! Bakit ba lagi silang ganiyan?
But something popped up on my mind. Kanina ay nakatitig siya kay Tecson. Hay, wala naman siguro iyon!
"Sige na.. umuwi ka na." I said.
"Maayos na tayo ah?" He asked. Pinalingon niya ako sakaniya. I glanced at him and he glanced at me too.
Tumango ako at ngumiti.

BINABASA MO ANG
Love that never fades
RomantikCOMPLETED CARTER SIBLINGS #2 Rylee Mariella Serino, a fashion model, met a guy who changed her life. The things that she experienced gave her a gift from God. Will she face things again to have him back? ------ Check until the end. This is a work of...