12

582 10 5
                                    


Nagpalakpakan ang lahat sa klase. Our project got the highest score. Sabi din ng teacher namin na ang project namin ay mafefeature sa account ng school club namin and even sa di kalakihang billboard sa labas ng school.






Pumalakpak na rin ako pero hindi magawang ngumiti ng totoo. Bumabagabag pa rin sa akin ang mga nangyari kanina. Tinapik ako ni Julia dahilan bakit nawala ako sa iniisip.







"Uy! Ayos ka lang ba? Bakit mukha kang nakakita ng multo?" Sabi ni Julia. I chuckled and shooked my head.







I heard my phone beeped kaya nilabas ko ito kaagad.







Tecson:

Saw your face on the billboard.







Uminit ang pisngi ko. Mukha ko lang! Bakit iyon lang ang napansin niya doon kung apat kaming nandoon?








Ang klase ay nagsimula na. Wala na masyadong nag discuss dahil exam na next week. We just had some quizzes, written works, and activities.









Naglitpit na ako ng gamit ko. Julia called me and signaled that there's someone outside our room. Nakita ko si kuya kaya agad akong lumabas.









"Kuya. Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.








Hindi naman siya lagi nandito ah? Wala silang band practice? Nabalitaan ko na nausog daw ang concert nila dito sa school.








"Sabay tayong uuwi.." He glanced at me with his serious eyes. Napakunot ang noo ko. Bakit ang weird niya rin? Tumango na ako at bumalik sa room.








I texted Tecson na hindi kami muna sabay ngayon dahil sabay kami ni kuya. He replied immediately saying it's fine. Ngumiti ako. Understanding naman!








Sumakay na ako sa kotse ni kuya at tumahimik. I also hide my phone para hindi siya magtanong kung ano na naman at sino iyon.







"Ry.." napalingon ako sakaniya. He glanced at me once pero binalik rin ang tingin sa daan.








"Bakit, kuya?" Tanong ko.






"I want you to protect yourself.. from people who might hurt you.." He seriously said. Pati siya! Pati siya ay nagsasabi na rin ng ganito! Ano ba ang nangyayari sa mga tao ngayon?







"Why, kuya? Am I in danger?" Dahilan kung bakit napalingon siya. He glanced at me for a long time at nagsalita.







"Hindi natin alam.. gusto ko mag ingat ka. Hindi ako laging nandyan pero I'll try.." Bumalik ang tingin niya sa daan. Mas napag isip na naman ako ngayon. Kinakabahan sa kung ano ang puwedeng mangyari.







Bumaba na ako sa kotse at lutang parin. I went in our house and kissed mom. Dad is probably still at work. Umakyat na ako sa kwarto at umupo sa kama. Nakatulala sa kawalan at hindi alam ang gagawin.







My phone rang. Sinagot ko kaagad iyon kahit hindi tinitignan kung sino.






"Kamusta?" I heard his voice. Lumaki ang mga mata ko at nagbago ang emosyon. Umayos ako ng upo sa kama at binigyan na ng atensyon ng tawag.







"Ayos naman.. bakit?" I sounded now more fine than earlier.







"Sana ay magkasama tayo ngayon.." He said. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa sinabi niya!






Love that never fadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon