Introduction

83 5 2
                                    

Kaya mo bang magtiis sa isang  lalaking obsessed na gagawin ang lahat 'wag ka lang maagaw ng iba mula sa kanya?

Paano kung sa una lang pala maganda sa pakiramdam na may isang taong ayaw kang pakawalan?

Makakaya mo pa kayang magtiis na pakisamahan ang presensya niya?

Si Sebastian Cargodella ay isang kilala bilang pinakamayaman sa buong Asia. Nasa kanya na ang lahat-lahat ,ang talino, itsura, Pera, Kakisigan at pamilya rin niya ang nagmamay-ari ng nagmamahalang five star hotel sa pilipinas .
Sa murang edad ay meron na siyang hinahawakan na mga beaches na siya rin ang namamahala , pero hindi parin siya sapat sa kung anong 'meron siya. Kulang ang lahat ng bagay na 'meron siya kung ang babaeng mahal niya ay kinamumuhian siya.

Si Azzy Gavidela ay isang simpleng babae na pangarap maging isang pulis 'gaya ng kanyang idolo na kapatid niyang babae. Hindi sila mayaman pero may kaya naman ang kanilang pamilya dahil sumusuporta ang kaniyang ate sa mga gastusin at pag-aaral niya sa kursong criminology. Mabait na bata si Azzy at tahimik na babae pero proud sa kanya ang pamilya niya.

Ngunit magbabago kaya ang pananaw ni Azzy sa buhay, sa oras na makilala niya ang lalaking 'di inaasahang magpapahirap sa kanya?.

Paano magiging masaya ang love story nila kung ang isa ay bigla na lang na magbago?

A/N: nakakabitin ang story, pasensya na lang.
Please vote and comment
_Aziil3_
enjoy🌹

A Sweet Obsession (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon