A/N: Hello sayo na nagbabasa ng first story ko. Thank you sa pagbabasa and baka naman pwede mong pindutin 'yang star sa baba. Please vote and comment para malaman ko kung nagustuhan mo ba o hindi. Please vote so I can update this story. IMMEDIATELY.
(*‿*✿)
AZZY's POV
DALAWANG linggo na ang lumipas simula ng dumating si Pams. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay masasabi kong naging masaya naman ako kahit sa 'di inaasahan ay hindi agad kami ni Pams nagkaintindihan.
Hindi rin naging madali para sa aming magkapatid na matanggap agad ang sinabi ni Pams. Mahirap para sa amin na tanggapin ang katotohanan na kahit kailan ay hindi na babalik ang aming ina.
Pinangako ko sa sarili ko na kapag naging isang ganap na pulis ako ay bibigyan ko ng kaparusahan ang sino mang mananamantala sa kababaihan.
Simula ngayon ay magsisikap ako para matupad ang pangarap ko.
Tinitigan ko ang gate ng paaralan na papasukan ko. Sa taas nito ay nakaguhit ang buong pangalan ng paaralan.
'DEAVEN LUX HAULTER SOUTH COLLEGE'
Parang para sa mga mayayaman lang ang paaralan. Sa pangalan palang ay halatang mayaman ang nag mamay-ari nito. Hindi ko akalain na sa ganitong kaganda nang paaralan pala ang papasukan ko. Maganda ang napili ni ate, sana ay maging maganda ang taon ko rito.
May dalawang gwardya ang nakabantay sa gilid ng gate. May mga mahahabang armas ang nakasabit sa kanilang leeg. Hindi rin sila nakasuot ng karaniwang uniporme ng guard.
Hapit na hapit sa kanila ang itim na shirt na naka tuck-in sa itim na pants. Nakasuot rin sila ng boots na hanggang kalahati ng binti ang sintas.
Ang titikas nila kung kumilos at magaganda ang kanilang tindig. Tumingin sila sa amin ng seryoso.Lumapit ang isa sa amin at tinignan ang hawak na envelop ni ate pati na rin ang bag namin. Ang isang gwardya naman ay kinapkapan si Jazen.
Nang ibalik kay ate ang envelop ay binuksan nila ang gate upang makapasok kami.
Nang tumapak kami sa loob ng paaralan ay sobra akong namangha dahil sa lawak ng paaralan na ito. May mga nakahilera nang puno ng mangga sa entrada ng paaralan at ang ibang lilim nito ay may mga upuan na gawa sa semento."Ang ganda naman dito," mahinang saad ko.
Tumingin naman sila sakin at ngumiti.
Habang naglalakad kami ay inililibot ko ang tingin ko.
Sobra akong naliliwaliw dahil sa lawak at ganda ng paaralan na ito.
Marami nga ang estudyante na nag-aaral rito. May nakikita rin akong mga estudyante na nagtatawanan sa isang grupo habang nagkukwentuhan.Pansin ko rin na iba-iba ang kanilang kulay ng uniform pang itaas pero pareho ang pang ibaba. May apat silang kulay ng uniform maliban sa nursing na pure na puti. Gaya ng kila ate.
May kulay lumot na uniform, asul, berde, at itim. Halo-halo ang mga estudyante.Hula ko na ang kulay itim na uniform ay sa mga 4th year college o sa mga graduating student. Ang kulay puti na naiiba ay para sa mga nursing gaya nila ate at Jazen.
Nasa 3rd year college sila pareho na pareho rin ng kursong kinuha rito sa DLHS pero magkaiba ang kanilang schedule kaya 'di rin sila magkaklase. Habang bakasyon nila noon ay may ibinigay sa kanilang activities dahil mahalaga daw iyon sa kurso nila.
Sa gilid naman ay may nakapwesto na basketball court. Malayo rin ang mga rooms mula sa gate. Berdeng berde rin ang carabao grasses na mas lalong nagpaganda sa paaralan.
Huminto kami sa isang quarter na may dalawang guard na nagbabantay. Hindi gaya kanina ay wala silang bitbit na kahit anumang armas. Malalaki ang kanilang katawan na halatang sabak sa laban.
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...