Azzy's POVAll this time, akala namin namatay ang nanay namin dahil sa sakit pero 'yun pala pinatay siya nang 'di namin kilalang tao. Hindi ko malaman kung ano ang maaari 'kong gawin sa taong kumuha ng buhay ng aking ina oras na makita ko at makaharap ang tarantadung 'yun.
I know that everything happens for a reason but, wala akong makitang sapat na rason para kunin nila ang buhay ng aking ina. Masyado siyang mabait lalo na sa ibang tao kaya 'di ko alam kung bakit siya pa ang kailangang mawala.
"P-paanong p-p-inatay?" kunot-noong tanong ni ate na naguguluhan 'rin dahil sa nalaman. " You said before that she was sicked that have caused her death and-and now you're telling me --you're telling us that she was killed? That's bulls*hit." napasabunot na lang ng buhok si ate dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi ko rin magawang makapagsalita dahil pati rin ako ay walang maintindihan. Sobrang sakit ang idinulot samin ng mawala ang ina namin dahil sa 'sinabing' may malalang sakit ito. Pero out of the sudden sasabihin niyang pinatay ang nanay namin? Nakaka bobo lang diba?
"I'm sorry for lying," lumuluhang sabi ni pams. "Masyado pa kasi kayong bata noon para malaman ang mabigat na katotohanan sa pagkawala ng inyong ina, that's why I lied." nakikita kong nahihirapan ngayon si pams na sabihin at ipaalam samin ang buong katotohanan dahil sa nakikita niyang galit na namumuo sa mukha ni ate.
Habang ako ay parang tangang nakatulala at nakatingin lang sa kanya at ina-absorb ang lahat ng sinabi niya."Tell us everything, Dad" seryosong bulalas ko at nakatulala lang sa kanila. Nagulat naman sila pareho sa sinabi ko dahil hindi ko siya tinawag sa nakasanayan naming tawag sa kanya bagkus tinawag ko siyang 'DAD'. Ibig sabihin 'nun seryoso ako.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "I will, but calm down first. Sasabihin ko sainyo ang lahat ng nalalaman ko. Pangako." kalmado man akong tignan sa mga oras na ito ngunit sa loob-loob ko sobra-sobra ang kaguluhan na nararamdaman ko.
Matagal bago kumalma si ate dahil sa galit na nararamdaman niya kay pams dahil sa pagsisinungaling nito.
Pumunta kami sa mini office ni pams dahil doon niya raw gustong magkwento para daw safe at na su-suffocate daw siya ron dahil 'di siya kumportable sa atmosphere na pumapalibot samin.
Nang makapasok kami sa office ni pams ay umupo siya sa single couch na kaharap ng flat screen tv habang kami naman ni ate ay magkatabing nakaupo sa mahabang couch na nasa gilid niya. Maliit lang ang office ni pams pero hindi naman gaanong masikip tignan sapagkat maaliwalas itong pagmasdan dahil sa kulay puting pintura nito. Nilibot ko ang paningin sa maliit na office ni pams.
Sa dulo ng office ay nakalagay ang malaking lamesa at swivel chair niya kung saan siya nagtatrabaho habang may dalawang upuan naman na nasa harap nito para sa guest. Sa likod ng swivel chair ay isang malaking white board na nakadikit sa wall na maraming picture na pinag aaralan niya. Sa gilid naman ay may katamtamang laki ng kabinet ang nakatayo roon kung saan nilalagay niya ang mga importanteng dokumento. At sa ibabaw nito ay ang larawan naming buong pamilya. Sa taas ng kabinet ay nakasabit ang mga paboritong baril ni pams gaya ng armalite pero ang pinaka gusto niyang gamitin ay ang silencer.
Binalik ko ang tingin kay pams ng tumikhim siya para kunin ang atensyon ko. Masyado lang ako namangha sa istilo ng office ni pams lalo na nang tignan ko ang iba't-ibang uri ng kutsilyo.
"I'm sorry" panimula niya, nakacross leg lang ako at deretsong nakaupo habang seryosong nakatingin kay pams habang si ate naman ay gayun din at naka crossed arms habang nakabaling sa iba ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
De TodoWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...