AZZY's POVDumiretso agad ako sa may cabin na nasa gilid. Kinuha ko ang kulay lilang gloves na para sa akin.
Ang lahat ng kagamitan namin sa pag-eensayo ay nandito nakalagay lang sa cabin na nasa likod-bahay. Kampante naman kami na hindi mananakaw ito dahil mahigpit ang security ng cabin na ito.Nagtataasan naman ang mga bakod na gawa sa semento. Ang pinaka-dulo ng bakod ay may matutulis na bakal. Kinabitan rin ito ng electrical wire para kung sakaling may magtangka 'mang pumasok gamit ang bakod ay maaaring matusta sila.
'Yung mga taong nakapasok sa bahay namin ay maaaring sa unahang pinto sila dumaan. Sigurado ring naiwang nakabukas ang pinto kaya't nakapasok sila.
Lumabas ako mula sa cabin.
Natanaw ko sila na nagtatawanan habang naglalakad patungo sa cabin na kinaroroonan ko."Excited na excited ah!" ani Jazen ng makalapit sila sakin. Pumasok sila sa cabin.
Pumunta naman ako kung saan nakapwesto ang punching bag.
Suntok dito. Suntok doon. 'Yun lang ang ginagawa ko gamit ang kamao ko. Dahil sa lakas ng suntok na ibinibigay ko ay lumulubog ang tela nito.
Parang nakikita ko ang mukha niya na nakadikit sa punching bag kaya mas lalong lumalakas ang bawat suntok na ibinibigay ko."Ang lakas mo 'yata ngayon ah!" sumulpot si Pams mula sa gilid ko.
Pinanonood niya lang ako habang pinu-pontse ang punching bag.
"Ako ang suntukin mo,"
Huminto ako habang nakadikit ang isang kamao ko sa p.bag. Binalingan ko si Pams ng tingin 'saka tumuwid ng tayo.
Hinihingal na tinitigan ko siya. Pansin kong nagpalit siya ng damit dahil itim na sando at itim na pants na ang suot niya. Nakasuot rin sa kanyang kamay ang kulay asul na Half Mitts Sparring Gloves.
Iniharap niya sakin ang nakabuka niyang gloves.
Ngumiti ako sa kanya at sinimulan siyang suntukin.Suntok sa kaliwa gamit ang kanang kamao ko at kanan gamit ang kaliwang kamao. Sinadya ko talaga 'yun para linlangin siya. Nginisihan niya naman ako dahil sa ipinakitang istilo ko sa kanya. Mabibilis ang kilos ko at malalakas na suntok ang ibinibigay ko sa kanya. Napapaatras naman siya dahil sa lakas.
Hindi ako humihinga kapag dumadapo ang kamao ko at malakas na pwersa ang inilalabas ko. Ang maskuladong braso naman ni Pams ay umiigting sa pagsabat ng suntok ko.
Abala kami ni Pams sa pag-eensayo ng makita ko sa gilid ng mata ko ang dalawa. Naglalaban sila gamit ang arnis. Mukhang nag-aasaran at nagyayabangan pa sila base sa nakikita ko.
"Wag mong hahayaan na mabaling sa iba ang atensyon mo, Kaya kitang sapukin kung alam kong wala sa akin ang atensyon mo," biglang saad ni Pams.
Tinitignan ko kasi sila. Nakukuha nila ang atensyon ko dahil sa ginagawa nila. Nagyayabangan nga sila at kung sino ang ma-corner, mahahalikan.
Napairap na lang ako sa isip ko.
Pinokus ko na lang ang atensyon ko kay Pams habang sinusuntok parin ang gloves sa kamay niya."Pasensya na," saad ko.
"Never let your opponent give a chance to hurt you, Azzy. As much as possible, deceive them. But not you. You have to focus and read their mind for you to know what you are going to do next. Tumingin ka sa mga mata ko." Tinignan ko siya sa mata. Nanggigigil ako at kuyom na kuyom ang kamay ko sa loob ng gloves. Malakas na sinuntok ko ang kaliwa niyang kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/217408681-288-k337848.jpg)
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...