AZZY's POVBumungad ang seryosong mukha ni Black Demon nang pagbuksan siya ng pinto ni Instructor. Hindi agad na nakapag-react ang instructor ng
tuloy-tuloy lang na naglalakad si Black Demon habang naka-pamulsa ang dalawang kamay at lagpasan siya.Ang lahat ay nakatingin lang sa madilim na awra ni Instructor habang nakatingin kay Black Demon.
Nagpupuyos sa galit ang mukha ni Instructor dahil sa walang pakundangang pag-uugali na ipinakita ni Black Demon sa harap ng buong klase.
Nang makaupo si Black Demon sa tabi ko ay walang ganang tumingin siya sa unahan.
Napaka-bastos naman pala ng ugali nito. Kumento ng utak ko.
Ang lahat ng tingin ay nasa gawi namin at walamg imik na tinignan si Black Demon.
"Who told you to disrespect your Instructor in front of whole class, Mr..?" Anang instructor sa galit na tono.
"Who told you to raise your voice in front of whole class, Mr. Cazpon?" walang ganang balik tanong niya.
Nagitla sa gulat ang Instructor dahil sa isinagot ni Black Demon sa kanya. Hindi niya inaasahan sa isang estudyante na may sasagot sa kanya ng ganun na walang karespe-respeto.
"What did you just say?"
"I hate repeating myself, Mr. Cazpon," ulit niya.
Lumapit ng bahagya ang mukha ng instructor habang ibinababa ang suot na salamin sa hanggang ilong. Nakakunot ang nuo nito dahil sa pagtataka at pinaghalong gulat.
Galit na tinampal nito ang mesa kaya nagulat ang iba lalo na ang mga nasa unahan. Inis na tinignan nito si black demon.
"You have to give respect to me Mr.Cargodella. Or else, makakarating itong ka-bastusan na pag-uugali mo sa harap ng buong klase lalo na sakin, sa may-ari ng paaralang ito!" Nanggigigil sa galit ang Instructor na umupo siya sa upuan.
Tinignan ko ang katabi ko na nakasampa ang siko sa arm chair at bahagyang nakalapit sakin.
Umusog ako ng konti dahil sa sobrang lapit niya. Napataas ang kilay niya at bahagyang natawa sa tinuran ni instructor sa harap niya.
"Go on, Mr.Cazpon," saad niya.
Nagtatangis ang bagang ng instructor na nagpatuloy sa kanyang ginagawa sa harapan. Inayos niya ang kanyang dalang libro saka sinimulang magturo.
Sa loob ng isang oras ng klase ay nakayuko lang ang lalaking katabi ko at 'di alintana ang ingay ng boses ng instructor.
May pagkakataon pang minsang binabato ng instructor ng ballpen si black demon ngunit nakakamanghang nasasalo niya ito.
Hinayaan na lang ng instructor ang katabi ko dahil sa inis na baka mesa na ang mabato niya.
Nagsusulat ngayon sa harap ang instructor habang nakatalikod, kami naman ay tahimik lang na sinusuri ang kanyang ginuguhit na larawan sa unahan.
Nang matapos siya ay humarap siya samin ng may striktong tingin.
"Who can give the names of every single part of this bomb?" tanong niya.
Wala ang sino mang tumaas ng kamay para sumagot at tutok lang lahat sa larawan habang pinag-aaralan.
Isa itong cluster bomb. Ang pinaka malaking bomba kung saan ginagamit ng mga military armies mula sa himpapawid. Ang bombang ito ay hindi pangkaraniwan dahil hindi naman ito ginagamit ng mga pulis kapag sila ay nakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...