Azzy's POVNagising ako sa isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko.
Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kwarto ko at masyado pang maaga para bulabugin ang natutulog kong diwa mula sa pagkakahiga.Alas sais bente kwatro pa lang nang umaga at lunes ngayon pero may sira-ulo nang sumira ng tulog ko. Naririnig ko mula sa labas ang malakas na boses ni ate dahil hindi naman sound-proof 'tong kwarto ko.
"Hoy! Azzy gising na, tanghali na bumangon ka na diyan. Azzy..Azzy..Azzy..A--" naputol ang serena ng bunganga niya ng mabuksan ko ang pintuan at tumambad sa kanya ang galit kong itsura.
"Hindi ka ba marunong makuntento sa tatlong katok lang? O kahit isang tawag lang? Kelangan paulit-ulit? Hindi ako binge!" inis na bulyaw ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Eh hindi ka rin naman magising gising sa tatlong katok lang at isang tawag lang kaya dinagdagan ko na dahil hyper ako ngayon." nakangiti niyang sabi. Sumandal naman ako sa hamba ng pintuan.
"Anong pake ko?" pagmamataray ko sa kanya.
"Ano ba yan ang aga-aga mainit na naman ulo mo? Pano ba palalamigin 'yan?" nakabusangot niyang sabi.
"Umalis ka sa harap ko at matutulog ako" ani ko. Tatalikod na sana ako para pagsarhan siya ng pinto ng higitin niya ang braso ko.
"What the hell do you want?" inis ko na talagang sigaw ko sa kanya. Antok na antok pa ko at gusto ko pa talagang humilata sa kama."Wag ka nang matulog ulit" nawala yata ang antok ko dahil sa pangungulit ng babaeng to.
"Bakit ba?" kunot-noong ani ko.
Ngumiti naman siya ng malawak.
"Bumaba ka na. Mag a-almusal tayo. Si Pams ang nagluto" ngiti-ngiting sabi niya habang tumataas-taas ang dalawa niyang kilay.
Para akong nabuhayan ng sabihin niya iyon.Kapag kasi nandito si Pams siya lahat ang nagluluto, pwera sa pagsasaing dahil trabaho ni ate 'yun. Mas masarap kasi ang pagkain kapag si Pams ang nagluluto. Si Mams daw kasi ang nagturo sa kanya noong nabubuhay pa siya at ipinagbubuntis pa lang si ate.
"Mag mumog ka muna kapatid bago ka bumaba ah, ang baho ng hininga mo" tinadyakan ko naman siya. Tatawa-tawang iniwan niya lang ako sa labas ng kwarto ko.
Pumasok uli ako sa kwarto at nagtungo sa banyo.
Maliit lang ang kwarto ko pero hindi naman ganun kaliit para 'di mag kasya ang itinayong banyo sa loob.Pagkatapos kong magmumog ay pumunta muna ako sa may aparador para kumuha ng bra. Hindi kasi ako sanay matulog ng naka-bra dahil mainit at masikip. Makapal naman parati ang suot kong damit dahil cotton cloth ito.
Lumabas na ko pagkatapos ko makapag-ayos ng sarili. Naabutan ko silang nagtatawanan habang parehong naka harap sa kung ano mang niluluto nila kaya malamang ay nakatalikod sila sa akin.
Malakas talaga ang pandama ni Pams kaya liningon niya ang gawi ko ng maramdaman niyang may nakamasid sa kanila.
Nawala ang kaninang nakangiti niyang labi ng makita ako.
Siguro ay hindi niya pa alam kung paano ako kakausapin simula 'nung huling pag-uusap namin.
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...