Azzy's POVMabilis na lumipas ang oras at araw. Malapit na rin magsimula ang pasukan kaya kailangan maging handa ako. Sa DLHS College ako mag-aaral. Doon rin nag-aaral si ate kaya sabi niya doon na rin daw ako para magkasama kami at matulungan niya ako na makapag-adjust sa tao.
Ang paaralan na iyon ay pribado ngunit ayon sa kwento ni ate hindi mo masasabing pribado ang eskwelahan na iyon dahil sa dami ng estudyante. Parang pang publiko raw ang paaralan dahil sa daming estudyante na nais kumuha nang kursong criminology.
May iba namang course ang school na iyon gaya ng medisina pero nag t-training rin daw sila dahil ang mga medisinang iyon ay nurse sa mga may tinamong injuries.Pinili iyon ni ate'ng paaralan dahil maganda daw magturo ang mga guro doon. Disiplinado ang mga estudyante at maganda ang pamamalakad ng paaralan.
Nasa isang store kami ngayon, kasama si ate at ang kanyang boyfriend. Dahil malapit na ang pasukan, kailangan may mga gamit na ko. Pero hindi ko naman alam ang mga gamit na kakailanganin bilang estudyante ng criminology kaya isinama ko sila.
Hinayaan ko na lang si ate na kumuha ng mga school supplies habang ako ay naglilibot para magtingin tingin ng mga gamit.
Tumama ang mata ko sa isang maliit na kwadradong papel, makapal ito at may iba't-ibang kulay. Isa pala itong post it note. Kumuha ako ng isa at saka naglibot uli.
Kumpleto ang mga gamit rito sa Panda Shoope at lahat ng school supplies na kailangan ay nandito. Hindi kataka-taka na malawak na ipinatayo ito ng may ari dahil sa daming tao ang namimili rito. Para na itong Grocery store.May isang malawak na bookshelf na nakatayo sa gilid na ito. Mahilig rin akong magbasa ng libro kaya naghahanap ako ng librong babasahin pero ang gusto ko ay yung mga patungkol sa horror o mga misteryosong bagay.
Sa ika-lima na patong ay nakita ko ang isang libro na may pamagat na 'A monster life'. Maganda ang title kaya nakuha nito ang atensyon ko.'Do you belive that a monster can tamed?'
Hindi inaasahan ni Weia Salan na ang lalaking halimaw na dumating sa buhay niya ay mabibihag niya sa isang misteryong halik.
Nagbago ang dating halimaw na si Gouver Davia magmula ng mahalin niya ang babaeng nagbigay kahinaan sa kanya.' basa ko sa nakasulat sa likod ng libro.
Mukhang maganda ang story kaya naantig nito ang buo kong atensyon. 'Bibilhin ko ang librong ito.' Saad ko sa isip ko.
Isang hakbang patalikod ang ginawa ko nang 'di ko namamalayan ay may tao pala sa likod ko. Naapakan ko ang kanang paa niya pero wala akong narinig na reaksyon mula sa kanya.
Nang makaharap ako sa kanya ay isang matipuno, matangkad, gwapo,mabango, at seryosong lalaki ang bumungad sakin. Nakaramdam ako ng medyo pagkailang sa kanya ng tignan niya lang ako. Masyado kasi siyang malapit.
"A-ahm. Sorry po hindi ko sinasadya maapakan kayo," mababang sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang pinaghalong kulay abo at brown. Kakaiba ang mga mata niya pero maganda itong tignan at pagmasdan. Lalo na sa malapitan.
Tumikhim siya nang makitang nakatitig ako sa mata niya. Napayuko nang bahagya ang ulo ko dahil sa nakakailang na presensya ng lalaking ito.
"Sa susunod makiramdam ka kung may tao sa likod mo para wala kang naaapakang tao. Clumsy." Sabay talikod niya.
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...