Hello sayo na nagbabasa nito.
(*^_^*)AZZY's POV
'Dragon Lady' Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ng Black Demon na 'yun. Naguguluhan ako kung bakit niya sinabi ang salitang iyon sakin. Ano 'yun, gusto niyang 'yung dragon lady ang gamitin kong codename?. Mukha niya!. 'Di rin naman kami close para hawakan niya ang kamay ko kagaya ng ginawa niya kanina. Hindi ko maintindihan ang lalaking 'yun dahil noong unang nagkita kami tinawag niya pa 'kong clumsy tapos ngayon ay may pahawak-hawak pa siya.
Pinalis ko na lang sa iba ang isip ko. Naramdaman kong tumunog ang tiyan ko na siguradong gutom na nga ako.
Andito ako ngayon sa isang Lunch Counter sa loob ng eskwelahan na ito. Mag-isa lang akong nakaupo habang nag-iisip. Mabuti na nga lang at may borador sa likod ng schedule na ibinigay sakin ni miss Rett kanina kaya madali lang para sakin na hanapin ang kantina na ito.
Dinukot ko ang cellphone ko mula sa bag at dinial ang numero ni ate.
Habang nag ri-ring ang kabilang linya ay iniikot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kantina na 'to. May mga mangilan-ngilang estudyante ang tahimik na kumakain samantalang ang iba ay nagkukwentuhan."Langya ka Azzy, ba't ka tumawag?" dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag. Mukha yatang naistorbo ko ang klase niya kaya parang inis ang tono ng boses niya.
"Andito ako sa launch counter. Asan na kayo?"
"Sa room. May klase pa kami. Nag excuse lang ako sandali para sagutin tawag mo. Nakakahiya ang ingay ng telepono ko dahil sa tawag mong letche ka!"
"Tss. ngayon alam mo na ang pakiramdam ng pagkapahiya?"
"Oo, letche ka!. Sige na ibababa ko na 'to, hindi kami makakasabay sayo ni Jazen ngayon. Itetext na lang kita mamaya pag uwian. May ginagawa pa kami. Bye."
Agad na pinutol niya ang kabilang linya. Parang armalite ang boses niya dahil sa bilis ng pagsasalita niya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala akong kasamang kakain ngayon. Wala naman akong kaibigan o kakilala rito kaya mag isa na nga lang talaga akong kakain.
Pumunta ako sa may counter upang mag-order ng pagkain. Wala namang pila rito dahil halos lahat ay kumakain na.
"Hi! Good morning. This is Min Min of DLHS Launch Counter. What is your order miss!?" masayang bati niya sakin. Binigyan ko siya ng isang simpleng ngiti dahil sa matamis na pagbati nito.
Isang spaghetti, medium size na fries at isang milo lang inorder ko dahil 'yun ang mga paborito kong pagkain. Natatakam na 'kong kainin ang lahat ng inorder ko lalo na nang makita ko na isini-serve na ito sa isang tray. Napatingin muli ako sa babae nang magsalita ito.
"Miss 315 in all,"aniya.
Kinuha ko ang wallet ko at dinukot ang limang daan 'saka ko ito ibinigay sa kanya. Tinitigan niya lang ang kamay ko at 'di inaabot ang perang nasa kamay ko. Nagtatakang tinignan niya lang ang perang hawak ko kaya naguguluhan rin akong tumingin sa perang nasa kamay ko kung may mali ba rito 'saka ko rin uli siya binalingan.
Wala namang mali sa perang hawak ko pero bat hindi niya ito inaabot?
Dapat ba kailangan rito naka credit card at bawal ang cash?"Ahm..miss hindi po kami tumatanggap ng cash,"
![](https://img.wattpad.com/cover/217408681-288-k337848.jpg)
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...