Azzy's POV
" You ain't even really gotta lie, I just need you to say goodbye, then I really let you go and you'll never see me so just, stop waisting my time," mahina akong kumakanta habang hawak ang aking gitara at nag s-strum nang biglang pumasok sa kwarto ko ang aking nakatatandang kapatid na si ate.
Lumapit siya sa kama ko at patagilid na naupo 'saka ako pinanood sa pag kalikot ng gitara.
'Di ko alam kung bakit 'di man lang marunong kumatok 'tong ate ko at basta basta na lang kung pumapasok sa kwarto ng may kwarto.
"Azzy," tawag niya na ngayon ay naka Indian sit na sa kama ko.
"Kung may kailangan ka ate 'kong pandak sabihin mo na, busy ako," saad ko sa kanya na hindi man lang siya tinitignan dahil tutok pa rin ako sa gitara.
Hindi na 'ko makakanta o maka hum man lang dahil nandito ang kapatid ko at panigurado sisiraan niya lang ako at bu-bwesitin na pangit daw boses ko at boses palaka daw.
Tch. Siya nga umpisa pa lang pumipiyok na at masakit pa sa tenga ang boses niya lalo na kapag sinusubukan niyang itaas ang boses.tch. masyado kasing trying hard." Wow! grabe ka sa height ko ah! 'porke lamang ka lang ng ilang dangkal, maka sabi lang? " saad niya habang nakaturo ang hintuturo niya sakin at nakataas ang kanang kilay.
"Tss. Wag mo 'kong tarayan ate Kung ayam mong ihambalos ko 'tong gitara sayo," seryoso kong sabi sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso dahil andami niyang paligoy-ligoy 'di pa sabihin kung anong kailangan niya at naiistorbo ako sa pag gu-guitara ko.
"Ikaw naman kapatid ang hot mo naman masyado, ang aga-aga init agad ng ulo mo. Mag papatulong lang naman ako sa isa kong subject, ang hirap hirap kasi 'di ko maintindihan 'nung tinuturo kasi ng tabachoy naming teacher--" bago niya pa matapos ang sunod na panlalait ay pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Out." sabi ko habang naka crossed arms na naka patong sa guitara at nakasandal sa headboard ng kama saka masamang tiningnan siya.
"Hehe. Tutulungan mo ko diba?" sabi niya nang naka ngiti.
"May matalino kang boyfriend, sakanya ka magpaturo," sabi ko na nakatingin pa rin sa kanya.
Kita ko kung 'pano nalungkot ang kanyang mukha ng banggitin ko ang boyfriend niya. Bumuntong-hininga muna siya bago muling tumingin sakin."Kaya nga sayo ako lumapit eh kasi ayokong kausapin ang boyfriend ko ngayon dahil galit ako sa kanya," malungkot na sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Eh! kasi kahapon wala man lang paramdam, ilang beses akong tumatawag sa kanya pero 'di niya sinasagot tapos tinadtad ko na rin siya ng message 'di rin nag re-replay," naka pout na sabi niya at naka palumbaba.
"So?"sagot ko na nakataas din ang kilay.
"Anong so?" balik tanong niya na nakakunot na ang noo.
"Tapos?"sabi ko
"Hays! nakakainis ka alam mo!" sabi niya na parang bata at pinalo pa sakin yung unan.
"Oo," sagot ko na mas lalo niyang kina inis. Natatawa na lang ako sa ka abnormalan niya.
"ish, Wala ka man lang bang ibang sasabihin, bukod sa so mo na yan? Any advice my dear sister?" sabi niya na ngayo'y inis na talaga sakin. Tinawanan ko muna siya bago sinagot.
"If you really love him and you have trust in him, you'll understand him. Don't be stupid ate" sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Baka may importanteng bagay lang na ginawa yung tao kaya 'di ka niya nagawang replayan o sagutin.
Try to ask first before you built an anger inside your heart because I know you will regret it afterwards if you knew his reason." mahabang litanya ko sa kanya at kita ko kung 'pano bumalik ang sigla sa mukha niya matapos marinig ang sinabi ko.Napasinghap siya at 'pagkatapos ngumiti. Parang sira.
"Oo nga no! Ba't 'di ko naisip yun?"
sabi niya habang naka lagay ang kamay sa baba niya na parang nag iisip."Kasi abnormal ka," sagot ko na kinainis niya kaya pinalo niya na naman ako ng unan.
"Kainis ka ah!"
"Aray! nakakadalawa ka na ah! isa pang hampas mo itong gitara ang tatama sayo!" sabi ko na kunwaring ihahampas sa kanya 'yung gitara. Syempre 'di ko gagawin yun. Hindi dahil ayokong masaktan ang kapatid ko kundi ayokong masira ang gitara ko. Ang mahal mahal kaya ng gitara ko, pinag-ipunan ko pa to nang matagal para iregalo sa sarili ko tapos ihahampas ko lang sa matigas na pagmumukha ng kapatid ko? Tss. Wag na Uy!
"Ang brutal mo naman kapatid, unan lang hinampas ko sayo at malambot pa tapos sakin matigas na bagay ang ihahampas mo? unfair," sabi niya na gulat na gulat at may palaki laki pa ng matang nalalaman. Tss. tusukin ko kaya yan.
"Tss. Lumayas ka na nga sa kwarto ko! Kanina mo pa iniistorbo ang pag gu-guitara ko!" inis na sabi ko sa kanya.
"Hehe. Sorry kapatid. By the way thank you sa advice, I'll keep that in mind," sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto pero bago siya tuluyang makalayo sa kwarto ko may pahabol pa ang kingate. Bahagya pang nakasilip ang ulo niya sa pinto.
"Saka 'nga pala kapatid 'wag mong kalimutan ah! tutulungan mo ko sa isa kong subject.bye." Saka niya biglang sinara ang pinto ko matapos ko siyang hagisan ng unan dahil sa inis.Napailing na lang ako sa ka-abnormalan ng kapatid ko. I wonder pano natatagalan ng boyfriend niya ang ugali niya though wala namang mali sa kanya, sadyang isip-bata lang minsan pero mabait at sweet naman siya. Buti nga nagtagal sila. Mahilig lang siyang mang asar minsan pero siya naman 'tong pikon. Haha.
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pag s-strum ng guitara sabay hum ng kanta ng idol ko.Please vote and comment.
Thank you!
_Aziil3_
![](https://img.wattpad.com/cover/217408681-288-k337848.jpg)
BINABASA MO ANG
A Sweet Obsession (On Going)
RandomWork of fiction. "You can't get away from me.I owned you, so as you.I was born to take you, the whole you so you.are.mine." A very sweet obsession that he can't take his avidity against her. This is not a very fairytale lovestory. Ang lahat ng pa...