Chapter 10

19 3 0
                                    

Please have patience to read my story, pero sa mga reader na ayaw talaga basahin ito at masyadong mapili.. kiber lang walang pake si author.

Enjoy!!(*_*)

AZZY's Point Of View

Normal lang bilang estudyante ang kabahan sa unang pasukan. Makakaramdam ka nang parang naiihi o natatae sa oras nang pagpapakilala sa sarili. Pero ang umatras ay gawaing hindi normal ng isang estudyante.

Sa mga oras na ito ay may kaunti rin naman akong nararamdamang kaba. Gusto ng umatras ng katawan ko pero pinipigilan ko ito dahil andito na ako bat pa ko aatras?

Matagal bago bumukas ang pinto na nasa harap ng kinatatayuan ko ngayon. Bumungad sa akin ang isang matangkad at maskuladong lalaki. Tiyak kong isa siyang guro base sa kilos niya. Mukha pa siyang bata pero sigurado akong malayo ang agwat namin sa isa't-isa. Tantsa ko ay mga nasa trenta pataas ang edad nito.

"Anong kailangan mo miss?" seryosong saad nito.

"Ahm, ito po ba ang room 31?"

Tumingin siya sa taas kaya nagtataka ko ring sinundan ang tingin niya.
Nakita ko na nakalagay sa taas ang pangalan na room 31. Napapahiyang nagbaba ako ng tingin.

"Come in," saad niya. Nakaka-kaba ang malaking boses at seryosong boses ng lalaking iyon.

Sumunod ako sa kanya habang nagdadasal na sana ay hindi siya terror na teacher. Huminto siya sa gitna sa harap ng lamesa habang ako naman ay nasa gilid niya. Inilibot ko ang paningin ko sa ibang mga estudyante. Lahat sila ay mga naka uniform na kulay lumot maliban sa akin. Maiingay ang iba habang nagkukwentuhan mula sa kanilang upuan habang ang iba naman ay tahimik lang.

Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay ang tumayo sa unahan dahil lahat ng atensyon ay mapupunta sayo. Nakakailang ang kanilang mga tingin.
May ibang mga babae na pasimpleng tinignan ako mula ulo hanggang sapatos.

Tumaas na lang ang kilay ko dahil nahuli ko silang nanunuri sa itsura ko. Tumikhim muna ang katabi ko bago nagsalita.

"Okay class, a moment of silence,"ma awtoridad na saad niya at bigla namang nagsitahimik ang ibang estudyante.

Namangha ako sa nakita ko dahil sa isang salita ay sumunod sila. Totoo nga ang sabi ni ate.

Tumingin siya sakin pagkatapos niyang patahimikin ang buong klase.

"You may introduce yourself,"

Wala man lang ka rea-reaksyong sabi niya. Kahit na kinakabahan ay pinilit kong magsalita. Umayos muna ako ng tayo bago nagpakilala.

"Hi! I'm Azzy Gavidela. 19. Be good to me that's all."

Maikling pakilala ko. Wala namang may nagsalita ni isa sa kanila kaya nakaka awkward ang paligid.
Nakatingin lang silang lahat sakin na parang 'di makapaniwala.

Tinignan ko ang lalaki na nasa gilid ko.

"Yun lang ba?" tanong niya at marahang tumango naman ako.

Binalingan niya ng tingin ang buong klase.

"Do you have any questions about her?" tanong niya sa buong klase.

May isang lalaki ang nagtaas ng kamay upang magtanong..Naka pang army cut ang buhok niya habang may aris naman ang kilay niya. Mukha siyang maloko kung titignang mabuti ang katayuan niya.

"Yes, Blue Fish?"

Nagtaka ako sa itinawag niya 'dun sa lalaki. Blue Fish? Anong klaseng pangalan 'yun?
Tinignan ko naman ang blue fish na tinawag ng guro.

A Sweet Obsession (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon