Chapter 2

42 3 0
                                    

Azzy's POV

Bumaba na ko sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Sabado ngayon at ngayong araw ay tuturuan ako ng kapatid at ng tatay ko ng tungkol sa kung paano makipaglaban para daw sa pasukan at unang araw ko bilang isang criminology student ay may kaunti na akong kaalaman. Sa likod ng bahay lang kami nag e-ensayo dahil may medyo kalawakan rin ang espasyo ng bahay namin na pwedeng magamit at mayroon 'ding mga inilagay na punching bag at iba pang maaring magagamit sa pag t-training si papa.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay lumabas na ko ng kwarto habang bitbit sa kamay ko ang kulay lilang gloves na gagamitin. At mamaya ay may magaganap na labanan sa pagitan namin ni ate. Napailing na lang ako sa isiping maglalaban kami ni ate sa unang pagkakataon. Sa ka abnormalan ni ate pagdating sakin, panigurado hindi yun mag se-seryoso. tsk tsk tsk. Sasakit lang ulo ko sa kanya at pag 'di ko siya natansya baka masipa ko na lang siya.

Isang simpleng kulay itim na jogging pants at kulay violet na sando lang ang suot ko ngayon dahil sa bahay lang naman kami mage-ensayo at hindi sa labas.

Pumunta muna ako sa kusina para mag-almusal dahil kailangan ko ng lakas ng katawan para mamaya.

Naabutan ko ang kapatid ko na malaking sinubo ang tatlong patong ng sandwich at nang magtama ang tingin namin nginitian niya lang ako  habang punong-puno ang kanyang bibig ng pagkain.

"Ngood Mownging Ngamatid" nahihirapang sabi niya dahil sa pagkain na nasa bibig niya. Sa sobrang takaw niya nagmukha nang ngo-ngo ang sinabi niya.

"Morning" tipid na sagot ko saka umupo sa harap niya. Nagtimpla lang ako ng kape at kumuha lang ako ng isang sandwich dahil isa na lang naman talaga ang natira at yung iba inubos na nang matakaw kong kapatid.

"Ngayon ang simula ng training natin with papa" sumimsim muna ako ng kape ko bago ako sumagot.

"Alam ko" saad ko.

"alam mo na? sino naman nagsabi sayo? " natigilan siya dahil siguro hindi niya inaasahan na nauna akong nakaalam sa kanya.

" Si papa, tumawag siya  kagabi para sabihin na ngayon daw siya uuwi at ngayon rin ang bonding natin" nagulat naman siya sa sinabi ko dahil syempre ako yung sinabihan at ininform ni papa tungkol sa pag-uwi niya ngayon at dahil sa reaksyon niya alam ko nang di siya nasabihan. Ang bonding na sinasabi ko ay kung saan tuturuan niya kami ng iba't ibang strategies when it comes to hand to hand combat.

"iihh!! and daya naman ni papa, ba't ikaw lang sinabihan,tapos ako ngayon lang? edi sana nakapag handa ako" maktol niya na may pa padyak padyak ng paa.

"Wag na, magsasayang ka lang ng gasul, ang mahal mahal ng gasul eh  atsaka baka mamaya masunog mo pa 'tong bahay" kita ko ang inis niya sakin dahil sa pang aasar ko sa kanya kaya niluwa niya yung kinakain niyang pagkain 'saka binato sakin,  buti na lang mabilis na nakailag ako kaya 'di ako tinamaan pero 'nung paglingon ko sa likod nakita ko yung tinapay na may laway pa na tinapon niya dumikit sa pinto ng ref.

" eww, kadiri ka" sabi ko sa kanya pero binilatan lang ako nang abnormal na babaeng to. "Alisin mo yang dumi na yan, nakakadiri ka" tumayo na ko saka nilagay sa lababo 'yung baso at nauna na 'kong pumunta sa likod-bahay.

A Sweet Obsession (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon