Chapter 3

28 3 0
                                    


Azzy's POV

Nang makabalik kami sa bahay ay tumambay muna kami sa may sala para magpatunaw ng kinain habang nagkukwentuhan. Namiss ko itong ganitong pangyayari dahil ang tagal kong inaasam at hinintay na dumating ang araw na ito na  makakapiling ulit namin ang aming ama.

"Kamusta naman ang pananatili ninyo rito?" tanong ni pams habang naka pandekwatro at naka-akbay saming dalawa ni ate. Ganyan ka sweet ang tatay namin pagdating samin kaya close na close kami sa kanya at walang ilangan.

"Ayos lang kami Pams kahit kaming dalawa lang ni Azzy rito, actually we always bond together. Every day, every night, hehe right sister?"
inikutan ko lang siya ng mata dahil sa sinabi niya. Hindi naman talaga kami nagbo-bonding as sister dahil kadalasan ang kasama niya ay yung boyfriend niya. Ang bonding na sinasabi niya ay 'yung mga pang iistorbo niya sakin at pambu-bwesit.

"Yeah, we're okay Pams lalo na andito ka na" nginitian ko lang siya ng tipid kaya ngumiti rin siya 'saka hinaplos ang buhok ko.

"That's good to hear, nag aalala ako palagi sainyo kaya araw-araw kong naiisip kung ayos lang ba kayo at ang kalagayan niyo rito lalo na wala ako sa tabi niyo para proteksyunan kayo" malungkot na ngiting tinignan niya kami. Ayos lang naman samin ang ganitong sitwasyon dahil naiintindihan namin siya. Alam rin naman naming ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kinabukasan naming magkapatid.

"Ayos lang kami Pams, kaya nga nandito ka para turuan kami diba? Para kapag wala ka sa tabi namin kaya naming ipaglaban ang sarili namin" tipid na ngumiti lang si pams 'saka sabay na ginulo ang buhok namin at hinalikan sa noo.

"Basta lagi niyong tatandaan na wala man kayo sa tabi ko, andito naman kayo lagi sa puso ko.Mahal na mahal ko kayo my Princesses." yinakap namin siya dahil sa mala emosyonal na sinabi ni Pams.
"Anyway, I have something important to tell" napa hiwalay naman agad kami matapos niya sabihing may mahalaga siyang sasabihin sa amin.

Naging seryoso naman kami at nag-aantay sa kung ano mang 'mahalagang' isisiwalat niya.
Napaayos ng upo si Pams at bahagyang sumeryoso ang mukha.
Tumingin muna siya kay ate na ngayon ay nakatingin na rin ng seryoso kay Pams bago bumuntong-hininga at pakatapos ay bumaling naman sya sakin. Naging sobrang tahimik ang paligid at nakakakaba ang atmosperyang dinudulot nito.
'Pag may sinabi kasing salitang 'mahalaga' ibig sabihin 'nun' ay seryoso, seryosong usapan na kailangan bigyang atensyon dahil sa oras na binalewala mo ito ay magsisisi ka. Kaya kailangan ang buo mong atensyon ay nakatuon sa mahalagang bagay na iyon.

"Ano 'ho yun Pams?" kinakabahang tanong ni ate. Ayon sa pinapakitang kilos kasi ni Pams ay talagang kakabahan ka dahil parang may kakaiba sa kilos niya. 'Di siya mapakali sa kinauupuan niya hanggat 'di niya nasasabi ang dapat niyang sabihin saamin.
Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso habang nag-aantay ng sasabihin.

"Ang..ang nanay niyo-" 'di natuloy ang sasabihin ni Pams nang pumiyok ang kanyang boses ng banggitin niya ang salitang makakaantig ng aming atesyon. Biglang kumabog ng matindi ang puso ko at 'di ako makapagsalita dahil sa kaba ng banggitin niya ang nanay.

"A-anong tungkol kay m-mama?" utal na tanong ni ate dahil sa kabang nararamdaman.
Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari kaya't ganito na lamang ang kabang nararamdaman naming magkapatid. Parang na fu-frustrate din si Pams at 'di alam kung paano sasabihin samin ang bagay na nasa utak niya.

"P-pinatay ang n-nanay niyo"
yumuko siya at 'di niya na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. "I'm sorry" hingi niya ng tawad na 'di ko alam kung bakit. Napahilamos na lang siya ng mukha at doon umiyak.

Hindi ko magawang aluin ang amang umiiyak sa harapan ko dahil para akong natuod sa kinauupuan ko.
Parang bulang bigla na lang nawala ang kaninang nag uumapaw na kaba na nararamdaman ko at naging normal ang tibok nito.
Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa dami ng katanungang unti-unting nabubuo sa isip ko .'Paano?'.

vote and comment.
_Aziil3_

A Sweet Obsession (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon