Chapter 5

31 3 0
                                    


Azzy's POV

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay at tinuloy namin ang na udlot na exercise. Naka tanaw lang samin si Pams mula sa kinauupuan niya habang nag e-exercise kami. Pagod daw kasi siya kaya 'di niya muna kami matuturuan sa ngayon kaya sa sunod na lang na araw niya kami tuturuan.

Sa loob ng katamtamang laki ng boxing ring na itinayo ni Pams ay doon kami nag papapawis habang nakabilad sa araw.

Nakasplit si ate habang ang kaliwang paa ay naka bend patalikod pati ang kanyang bewang ay nakaliyad. Tumatama naman ang ulo niya sa dulo ng kaliwang paa niya.
Samantalang ako ay nag jo-jogging palibot sa ring.

Nang matanawan ko si Pams ay seryoso lang siyang nanonood sa amin. Kumaway ako ng magtama ang paningin namin. Ngumiti naman siya.

Nang maka labing lima na kong ikot sa loob ng ring ay huminto na ko. Humahangos na pumunta ako sa direksyon ni Pams. Nang makaupo ako sa tabi niya ay inabutan niya agad ako ng tubig.

Nang maubos ko ang inabot niyang tubig ay binalingan ko siya ng tingin.

"Ayos ka lang Pams?" pansin kong malalim ang iniisip niya kanina habang nakatingin samin.

"Ayos lang naman ako, bakit?" ngumiti siya pero halatang pilit.
Pakiramdam ko may bagay na  bumabagabag sa kanya kaya parang malalim ang iniisip niya kanina. Hindi naman yata napansin 'yun ni ate dahil abala siya sa pag ehersisyo.

"Pansin 'kong malalim ang iniisip mo. May nangyari 'ho ba?"
Hindi naman siya agad nakasagot . Bumuntong hininga naman siya habang naka tingin kay ate na ngayo'y gumagamit na ng arnis. Talagang may iniisip siya.

"Nag request ako ng 3 months vacation para makasama ko kayo. Pero hindi lang 'yun ang dahilan" nagulat naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam kong ano pang dahilan bukod samin dahil wala na akong ibang maisip.

"A-ano 'ho yun?" takang tanong ko.

"Bukod sa ilalaan ko ang buong oras ko sa pagtuturo sainyo ay gusto ko rin mahanap at mabigyang hustisya ang nanay niyo"

'Anong ibig niyang sabihin?'

May kutob na ko sa sinasabi niya pero gusto ko paring kumpirmahin.

"I-ibig niyong sabihin, 'di niyo pa nahahanap 'yung taong p-pumatay kay Mams?" kabadong tanong ko.
Tumango naman siya.

May kunting pag-asa akong naramdaman dahil sa sinabi pams.
Kung gayon ay maaaring kapag ako ang nakaharap ng mga taong yun pwede ko silang parusahan sa paraang alam ko at kaya ko.

Napangisi naman ako sa naisip kong makakahigante ako sa taong pumatay sa nanay ko.

"Alam ko ang iniisip mo at ngayon palang binabalaan na kita, Azzy"
biglang sabi ni pams. Nawala ang ngisi sa mukha ko nang makitang seryoso ang kanyang tinig.
"Batas ang magpapataw ng kaparusahan sa kanila at hindi ikaw. Huwag na 'wag kang maghihigante."

'Batas?'  pagak na napatawa ako sa sinabi ni pams.

"Batas? Ha! Wala akong pakealam sa batas na 'yan. Bakit batas ba ang pumatay sa nanay ko kaya sila ang dapat na magpaparusa? hindi naman diba?
Ako! Tayo! tayo ang nawalan kaya dapat tayo ang magparanas sa kanila kung anong ginawa nila satin!" 'Di ko namalayang tumaas na pala ang boses ko kaya naagaw namin ang atensyon ni ate.

A Sweet Obsession (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon