Simula

9.6K 155 10
                                    

Simula

Namulat ako sa mundong punong-puno ng problema. Lumaki akong maraming natuklasang karahasan na nagaganap. Mga kabataang napag-iwan ng panahon. Mga taong nalulong sa mga masasamang bisyo.

Bata palang ako, minulat sa akin ni mama na ang mundo ay unti-unti ng namamatay. Pagod na itong kargahin tayong lahat. Pagod na itong umikot at alagaan tayo. Pagod na itong gumalaw at bigyan tayo ng makakain.

Nakaranas ako ng iba't-iba delubyo na dulot ng mundo. Bagyo, matinding sakit, tagtuyot, at kawalan ng sapat na pagkain. Paano nangyari iyon? Isa lang ang nasa isip ko kung bakit natin nararanasan ang mga ganitong pangyayari.

Napapabayaan na natin ang kalikasan. Inuubos natin ang punong nagbibigay hangin para tayo ay huminga. Unti-unting nagiging industrial ang lahat. Ang dating nagsisitaasang puno ay ngayon building na ang nakatayo. Ang maganda simoy ng hangin ngayon ay sakit sa balat. Sa nakalipas na taon, nararamdaman ko ang galit ng mundong ito.

At hindi na ako magugulat pa, isang araw ay gumanti ito sa atin. Sa marahas na paraan. Sa uubos ng tao. Sa kukuha ng buhay.

Nabasa ko sa isang libro ang nangyari noong 2013 kung saan libo-libo ang namatay dahil sa dulot ng matinding delubyo. Sumunod ang pagputok ng bulkan dahil sa klima. Lindol na yumanig sa iba't-ibang nasyon. At ngayon naman ay hinihintay pa natin kung anong sunod ang gagawing pag gaganti ng kalikasan sa atin.

Nilapag ko ang stethoscope sa lamesa at umupo sa swivel chair ko. Ngayong araw ay pagod na pagod ako dahil sa dami ng pasyenteng dinala sa hospital na ito. Iba't-ibang uri ng sakit ang pilit kong pinapagaling upang mailigtas pa ang taong hindi pa handa mawala sa mundo.

Binuhay ko ang cellphone at tinignan kung may mensahe ba galing sa mama ko. Hindi ako nagkamali dahil nakita ko sa screen ang message ni mama.

From mom:

Nak please be safe. Tumawag sa akin ang director chief ng hospital sa Ormoc, dumadami na daw ang cases ng virus sa ibang bansa. Natatakot ako at baka lumaganap dito sa atin. Please, be safe. Nag-aalala na kami ng papa mo.

Pagod akong ngumiti sa mensahe ni mama. Hindi maiiwasan ang ganyang panganib, lalo pat nararamdaman ko na ganti ito ng mundo sa atin. Kahit anong pilit na pag-iwas, kung tatamaan ka tanggapin mo. It's either you'll refuse to believe or let that virus kill you.

I am a doctor, like my mother field. Pinasok ko ang larangan na ito dahil nakumbinsi ako ni mama na mas masarap sa pakiramdam kapag may natutulungan ka. Though my father is against in this field, but he didn't stop to pursue it.

Dalawang taon na akong doctor dito sa Tacloban Medical Center. Sa Manila ako kumuha ng medicine pero dito ko napili magtrabaho. Hindi ako napigilan ni papa sa kagustuhan na pangarap, alam ko na nag-aalala lang siya sa akin pero kaya ko naman ang sarili ko.

My mother is a good doctor in her time. She was came from the well known family, The Fumar Family. She was consisted honor back in her junior but when my father came, her life ruined. Gaya ng kwento niya sa akin, may lihim daw na pagtingin si papa sa kanya. Kinulit daw siya at sa huli ay nahulog. My father is her great love, kahit pa noong pinaghiwalay sila ni Lola. When she finished her studies abroad, my father pursue her again. And at the end, they belong to each other arms.

On the other hand, my father is a great enemy of my mother. He was very in love with her to the point that he wanted to impregnate my mother. Pero dahil nilihim niya ang totoong buhay, inakala ni mama na mahirap lang talaga siya. Pero hindi siya pumayag na mawala nalang basta-basta ang babaeng mahal niya, he insist himself to get mom. And as what I've, they bring back in each other's arm.

My parents love story is the best for all the stories I've heard. It never get old, until now I can see the love in their eyes. Never faded.

Napahinga ako ng malalim bago tumayo sa swivel chair at lumapit sa bag ko. It's already six in the night, and I need to go home now. I'm so tired and my body wants my bed now.

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon