Kabanata 16
Buntis
Sira-sira ang kalahating building ng hospital namin. Ang mga rooms maging ang hospital bed ay nasama sa pagkasira. Ang laboratory din ay gumuho dahil sa matinding yanig kanina. Kaya ngayon, punong-puno kami ng problema. Problema sa hospital namin.
Saan namin ngayon dadalhin ang mga pasyente sa oras na umatake na naman ang virus? Bagama't magagamit pa namin ang kalahating building ngunit hindi iyon sapat. Pati ang make shift quarantine room namin ay nasira. Everything is ruin, and now we are facing a big problem.
Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang base room ko. Mabuti nalang at hindi siya nadamay sa pagkawasak ng ibang rooms. Kung hindi, hindi ko alam kung saan kami matutulog. Naramdaman ko ang kamay ni Ruslan sa akin kaya napatingin ako sa kanya. He look relieved now.
Pansamantalang nawalan ng supply ng kuryente ngayon. May natumba daw na ilang poste sa kalsada. Ngayon, ang gamit namin ay generator. Tahimik kaming dalawa habang nakaupo sa kama. Pumikit ako ng mariin.
"Mabuti nalang hindi nasira ang base room natin." Basag ko sa katahimikan.
Kanina pa siya tahimik at pinagmamasdan lang ako. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sa tiyan ko kaya ginagawa ko ang lahat para mabaling sa iba ang atensyon niya. I smiled hesitantly.
He didn't say anything. Tahimik lang siya kaya kinakabahan na ako. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol sa pakiramdam ko dahil hindi pa naman ako sigurado. If my conjecture were true, then I'll tell him with evidence. But for now, I want to keep it with myself.
Inalog ko ang braso niya para matigil sa kakatitig sa akin. Nang mahimasmasan, huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin sa akin.
"Ano bang problema mo?" Naguguluhan kong tanong.
He heaved another sighed.
"I'm still worried about your vomiting. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyayari sayo. I have answer about it but…I want to be sure." He said profoundly.
Bumuntonghininga ulit ako. Alam ko na ang nasa utak niya, he thought I am bearing his child. Pero katulad ko, ayaw niya ding magpadalos-dalos ng walang ebidensya. He wants evidence so that, he can say to me that I'm really pregnant.
"Stop thinking about it. It won't solve anything!" Pag-iiba ko.
Tumitig siya sa akin ng matagal kaya nailang na ako. Umiwas ako ng tingin at humanap ng pwedeng paglibangan. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako sa kama at kinuha iyon. Naka register sa caller ko ang pangalan ni papa. I answered him.
"Hello, hija?"
I sighed.
"Papa?"
"Okay ka lang ba? Lumindol ba dyan? Nasa Makati ang epicenter ng lindol kaya siguradong tinamaan kayo dyan! How are you?"
Sunod-sunod na tanong ni papa. Huminga ako at lumapit sa bintana. Ruslan remain sitting.
"Okay lang pa. Nakalabas naman ako bago gumuho yung kalahating gusali ng hospital. For now, we are facing a problem regarding to rooms."
He sighed.
"Anak, hindi ka pa ba napapagod? You can quit and turn your responsibility."
Umiling iling ako at hindi sumang-ayon sa gusto niya. No way! Hindi ako pwedeng umatras sa responsibilidad ko! I need to take it.
"Pa, mag-aaway na naman ba tayo? I'm fine with my job now. I am happy helping those people."
He sighed heavily. Alam kong nag-aalala talaga siya sa akin ngayon. Knowing we hit a 9.5 magnitude today. And he is just caring too much.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceStatus: Completed Start Posted: March 24, 2020 End: May 5, 2020 Delrose Visitacion Costiño has a big heart to help the people. She's like her mother, a doctor of everyone. To find a cure in a certain ill. Until one day, the global pandemic came and...