Kabanata 23

2.9K 101 4
                                    

Kabanata 23

Peace



As soon as I heard about Ruslan, I ran out of control. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nagmamadaling tumakbo sa isolation room niya. Ang sabi ni Dr. Severo, bumabagal na daw ang paghinga niya. Ang alam ko, nasa ika-walong araw na siyang positibo sa sakit. Oh God, don't do this me!

Tagaktak na ang pawis ko ng makarating sa harap ng pinto niya. Pansin na pansin ko ang pagkalat ng mga doctor sa paligid ng isolation room niya. Agaran akong binigyan ng face shield at face mask ng sundalong nasa tapat ng pinto. Hindi ko na nahintay pa si Dr. Severo sa pagmamadaling pumasok sa loob.

Hinanda ko ang sarili sa pagbukas ng pinto. Nanginginig ang buong katawan ko habang unti-unti ko nang nakikita ang katawan niyang niri-revived ng doctor. Hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan siya. Nakabukas ang kanyang mga mata, nakita ko pang pumatak ang huling butil ng luha niya at direktang nakatitig sa akin ang mga mata niya. Nanghina ako, napabagsak sa sahig habang hindi ko makayanang nakikita siyang ganito.

A-anong nangyari? Bakit naging ganito ang lahat? Maayos palang naman siya kanina ah? Ano? Anong nangyari? Pinipilit paring i-revived ng doctor ang naghihingalong buhay ni Ruslan. Umiling-iling ako at hindi napigilang maluha. Hindi ko kaya. Hinang-hina ako sa nakikita. Para akong nawalan ng kaluluwa habang pinagmamasdan siyang ganito. Ang sakit! Ang sakip sa dibdib. Nataranta ako ng huminto na sa pagri-revived ang doctor.

"Patient didn't make it." The doctor announced.

Doon ako napatayo, patak ng patak ang luha ko habang lumapit sa kanila. Wala na akong pakialam sa ibang taong nasa loob, mabilis kong kinuha ang hospital table at doon nilagay ang bag ko. Nanginginig ang kamay ko ng kinuha ang dugo sa loob nito, kinuha ko ang syringe sa nurse at mabilis na nilagay doon ang dugong kinuha ko kay Hezron.

"Doc, he is dead—"

"You fucking shut up!" Sigaw ko.

Natahimik ang doctor at hinayaan ako. Mabilis kong tinurok ang syringe sa braso niya, binuhos lahat ng dugo sa loob niya. Hingal na hingal ako habang tinatapos iyon, nang maubos ang dugo mabilis kong kinuha ang stethoscope sa nurse at hinintay ang isang minuto bago ko tinapat sa dibdib niya ito. Sobra akong nanghina ng wala na akong marinig sa puso niya. Umiling-iling ako habang patuloy na hinahanap ang pintig ng puso niya.

"No! You can't be dead! Y-you can't leave me! N-no!" Umiiyak kong sabi.

Umalis na din ang nurse at doctor sa loob. Naiwan akong mag-isa habang patuloy kong hinahanap ang heartbeat niya. Oh come on, baby! Don't you fucking leave me! Isang minuto pa ang tinagal ko sa paghahanap ngunit ganun parin, hindi na pumipintig ang puso niya. Natigilan ako, natulala sa harap niya. Umiling-iling ako, tumulo ang napakaraming luha sa mata ko.

Umatras ako, umiling-iling. Ang luha ay nilalamon na ang mata ko. Malabo na ang lahat, Malabo ng mabuhay ko siya. Sa sobrang panglalambot ko, napaluhod ako at tulalang nakatingin sa katawan niyang wala ng buhay. Hindi ko alam ang sunod na nangyari, napaupo ako sa sahig at wala na ang sarili sa akin. Napayuko ako, tumulo ang luha ko. Hindi ko siya nailigtas. Hindi ko siya naagapan. Nilamon na siya ng sakit. Tuluyan na siyang nawala sa akin.

Wala akong kwenta! Wala akong silbi! Hindi ko siya naligtas! Napabayaan ko siya! Oh God! Bakit kayo ganito? B-bakit niyo siya kinuha sa akin? W-wala akong kwenta!

My tears flowed like a falls. Nakayuko ako habang nagngingitngit sa galit sa sarili. Hinang-hina ako, sobrang lambot ng paa at tuhod ko. Hindi ko na halos makita ang sahig dahil sa luhang tumutulo sa mata ko. Pinilit kong tumayo, wala parin ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang katawan niya. Tinanggal ko ang face shield at tinapon sa kung saan. Mas lalo akong nanghina habang nakikita siya, wala ng buhay.

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon