Kabanata 24

3.8K 103 3
                                    

Kabanata 24

Pamilya



Malamig ang simoy ng hangin. Ang mga puno ay nagmistulang nagsasayaw dahil sa hanging dulot nito. Ang amoy ng kapaligiran ay masarap sa ilong, ang dulot ng hangin ay napakasarap sa katawan. Wala na akong mahihiling pa, lahat ng mayroon ako ngayon sobrang kontento na sa akin. Ang buhay ni Ruslan, ang mga anak namin, at ang bansang payapa na dahil wala ng banta ng bayrus. Everything is fine now, our life is safe now.

Ngumiti ako ng matamis habang binabagtas ang kahabaan ng altar kung saan sa dulo nito ay naghihintay ang lalaking sobra kong mahal. Suot-suot ang puting gown na mula sa shop ni Auntie Crème, para akong lumulutang sa hangin habang palapit ng palapit sa kanya...sa lalaking aalayan ko ng buhay, sa lalaking makakasama ko buong buhay.

Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko ang maluha-luhaang mga magulang namin, ang tatlo naming mga lalaking anak at mga bisitang malapit sa amin ay masayang natutuklasan ang pag-iisang dibdib naming dalawa. Bagama't kasal na kami limang taon na ang nakalilipas, ngayong araw naman ang engrandeng pangalawang kasal namin...this time sa simbahan na.

Rinig na rinig ko ang musikang ginamit namin ngayon, ang kantang lumilikha ng sobrang saya sa puso ko. My eyes rankled as the music goes on.

I can't remember when you weren't there

When I didn't care for anyone but you

I swear we've been through everything there is

Can't imagine anything we've missed

Can't imagine anything the two of us can't do

Tumitig ako sa kanyang mga mata, doon palang kitang-kita ko ang pagmamahal sa kanya. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha, naghuhuramentado ang puso ko, nanlalambot sa kanyang mga titig. This is all worth it! I love him, with all my heart.

Through the years

You've never let me down

You turned my life around

The sweetest days I've found

I've found with you

Lahat ng pagsubok naming pinagdaan, lahat ng iyon ay mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Bagyo, bulkan, lindol at bayrus, iyon ay napagtagumpayan naming dalawa. Hindi niya ako iniwan, hindi siya bumitaw sa akin. Hindi niya iniwan ang mga anak namin, kaming dalawa ay mas lalong tumibay sa mga pagsubok na ito.

Through the years

I've never been afraid

I've loved the life we've made

And I'm so glad I stayed

Right here with you

Through the years

Sa bawat luhang tumutulo sa aking mga mata ay nagdudulot ng hirap at sakit sa kanya. Ayaw niyang nakikita akong umiiyak. Ayaw niyang nakikita akong nahihirapan. Mahal na mahal niya ako, walang duda. Sa aming dalawa, siya ang mas malalim magmahal sa aming dalawa. He loved me with all his life. At swerte ako kasi sa akin siya binigay ng panginoon. Sa akin siya binigay ng pag-ibig.

Takot na takot ako noong muntik na siyang mawala sa akin, akala ko talaga na wala ng pag-asa pa. Hindi ko alam ang gagawin, para talaga akong nawala sa sarili kong buhay. Hindi ko alam kung paano ko maitataguyod ang mga anak namin kung sakaling nawala siya. Mahina ako kung wala siya, bagsak na bagsak ako kapag mawala siya.

I can't remember what I used to do

Who I trusted, who I listened to before

I swear you've taught me everything I know

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon